Sino ang tunay na may-ari ng Bibliya — ang Diyos ba o ang Simbahang Katoliko? (Part I) |

Pinaniniwalaan ng mga Katoliko na sila umano ang gumawa at nagbuo ng Bibliya — mula sa Genesis hanggang sa Apocalipsis (Pahayag). Subalit, malayong-malayo ito kung pagbabatayan ang kasaysayan at Bibliya.

Ang salitang Bibliya,ay nagmula sa salitang Griyego na ‘biblia’, na nangangahulugang ‘mga aklat’. Ang Bibliya ay nahahati sa dalawang pangunahing bahagi: ang Lupang Tipan at Bagong Tipan.” (Smith, 2018, p. 23)¹ Kapag isang aklat ang tinutukoy, tinatawag itong biblios; biblia naman kapag maramihang aklat. Magkakaiba ang bilang ng mga aklat na bumubuo sa Bibliya na tinataguyod ng iba’t-ibang relihiyon. Para sa mga Romano Katoliko, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat, na hinati sa Lumang Tipan at Bagong Tipan samantalang ang mga Protestante ay mayroon lamang 66 aklat (na hindi kalakip ang mga Apocrypha o di-kanonikal na aklat). Ang mga Ortodokso naman ay mayroong 79 aklat. Ngunit sino ang unang nag-compile ng Bibliya (ang buong aklat ng Luma at Bagong Tipan)?

Sino ang tunay na may-ari ng Bibliya?

Ang Bibliya ay pagmamay-ari ng Diyos, hindi ng tao. (2 Timoteo 3:15-16; Isaias 34:16) Ipinasulat Niya ang kanyang mga salita sa kanyang mga lingkod na Israelita noong unang panahon, bago pa man maitatag ang Kristiyanong kongregasyon. (Isaias 34:27; Isaias 8:1; Juan 21:24) Si Jehova, ang Diyos ng Bibliya, ang dakilang Awtor at may-ari ng “Banal na Kasulatan” na naging Bibliya. Hindi ito nilikha at pagmamay-ari ng mortal na tao. Ngunit kailan unang inipon ng mga Israelita ang mga “kinasihang aklat” ng Diyos upang maging bahagi ito ng Hebrew Bible o Old Testament?

Ang mga unang umipon ng kinasihang aklat

Hindi ang mga Katoliko ang unang sumulat at umipon sa Lumang Tipan o Hebreong Kasulatan. Ito ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga Judio na kanyang mga naunang lingkod. (Isaias 147:19-20; Roma 3:2)

Samakatuwid, umiiral na noon pa man ang “mga Kasulatan” bago pa man pumasok sa eksena ang Katolisismo at nag-angkin sa Bibliya.

Ang pinakamatandang bahagi ng Lumang Tipan, tulad ng mga awit at mga prosa ng Torah (ang unang limang aklat ni Moises o ang Pentateuch: Genesis, Exodo, Levitico, Bilang, at Deuteronomio), ay nagsimulang isulat noong panahon ng Monarkiya ng Israel, bandang 10th hanggang 7th siglo B.C.E.²

Noon namang ika-6 na siglo B.C.E, sa panahon ng pagkakatapon ng mga Judio sa Babilonia, nagkaroon ng malaking pagbabago at pagsasaayos sa mga tekstong Hebreo. Ayon kay J.A Sanders, na isang iskolar, “Marami sa mga kasulatan ang isinulat o isinapinal sa panahong ito [ng ikaanim na siglo], kabilang na ang ilang mga bahagi ng Torah at mga Propeta.“³

Pagkatapos ng pagkakatapon sa mga Judio, noong panahon ng Ikalawang Templo (536 – 70 C.E), ang mga kasulatang Hebreo ay patuloy na naipon, na-edit at kinompile. Hindi mga Katoliko ang nagsagawa nito dahil wala pang mga Katoliko sa panahong ito, kundi ang mga Judio. Sa panahong ito, nabuo ang mga aklat ng Kasaysayan (tulad ng Mga Hari at mg Mga Cronica), at mga Propeta (tulad nina Isaias, Jeremias, at Ezekiel).⁴

Ang proseso ng kanonisasyon ng mga kasulatan ng Lumang Tipan ay natapos sa pagitan ng ika-2 siglo B.C. at ika-1 siglo. Ang Judio na canon⁵ ay tinatawag na Tanakh, na binubuo ng Tatlong Bahagi:

1. BATAS (Torah)

2. MGA PROPETA (Nevi’im)

3. MGA SULAT (Ketuvim)

Kilala ang Konseho ng Jamnia o Yavneh sa isang teorya na mayroong isang council ng mga rabbi na nagtipon sa bayan ng Jamnia (Yavneh sa modernong Israel) noong mga huling bahagi ng unang siglo C.E.

Sa konsehong ito ay sinasabing nagkaroon ng malaking papel sa pagbuo ng kanon ng Hebreong Bibliya. Walang kinalaman rito ang Simbahan.

Ngayong natapos nang mabuo ang Lumang Tipan, paano naman nabuo ang Bagong Tipan at kailan ito unang nakompile?

Iyan ang ating tatalakayin sa susunod.

Reperensiya:

¹ Smith, J.  (2018). The Origins of the Bible: A Comprehensive Guide. New York: Historical Publications.

² Carr, D. M. (2011). The Formation of the Hebrew Bible: A New Reconstruction. Oxford University Press.

³ Sanders, J. A. (1987). Canon and Community: A Guide to Canonical Criticism. Fortress Press.

⁴ Tov, E. (2012). Textual Criticism of the Hebrew Bible. Fortress Press.

⁵ ibid.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

One thought on “Sino ang tunay na may-ari ng Bibliya — ang Diyos ba o ang Simbahang Katoliko? (Part I) |

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started