Nasa Bibliya ba ang pagsasagawa ng indulhensiya ng mga Kristiyano? |

Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang indulhensiya ay ibinibigay nila kapag nangumpisal at humingi ng kapatawaran ang nagkasala. Ang halaga na ibinabayad sa mga prayle ay batay sa laki ng kasalanan na ginawa ng nagpadalangin sa buo o parsiyal na pagpapawalang-bisa sa isang kaparusahan. Ibinibigay ito ng Simbahang Katoliko kapag nangumpisal at humingi ng kapatawaran ang nagkasala. Ang halaga na ibinabayad sa mga prayle ay batay sa laki ng kasalanan na ginawa ng nagpadalangin.

Ayon sa katuruan ng mga Katoliko, nakakabawas o nakakapag-alis pa ng parusa sa isang tao sa purgatoryo ang indulhensiya pagkamatay niya.

Itinuturo ba ng Bibliya ang indulhensiya?

Hindi. Walang mababasa sa Bibliya na isinagawa ng mga sinaunang pinahirang Kristiyano ang tinatawag na indulhensiya.

Sa panahon ni Huldrych Zwingli, isang Swiss na pastor noong ika-16 siglo, siya ay nagsimulang magduda sa mga aral ng Simbahan. Hinanap niya ang katotohanan mula sa Bibliya. Si Zwingli ay kontra sa kaayusan ng Katoliko tungkol sa indulhensiya. Kasama niyang komontra sa katiwalian ng Simbahan si Thomas Wyttenbach, isa sa kanyang naging propesor sa Switzerland. Natutunan ni Zwingli na ang pantubos ni Jesus lang ang paraan para mapatawad ang kasalanan ng mga tao, at tinanggihan niya ang turo na kayang magpatawad ng mga lider ng relihiyon kapalit ng pera.

Siya rin ay nag-aral ng Griyego at mga akda ni Erasmus, kung saan nalaman niya na si Jesu-Kristo lang ang tagapamagitan sa Diyos at mga tao, gaya ng itinuturo sa Bibliya,

Ipinapakita ng ilang talata sa Bibliya kagaya sa Lucas 6:27-49; 1 Corinto 10;13 at Galacia 5:16-18 na mali ang katuruang indulhensiya ni hindi ito isinasagawa ng mga unang siglong Kristiyano.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started