Si Pedro ba ang unang Papa ng Simbahang Katolika? |

Ang mga pahayag ukol sa kung sino ang unang Papa o ang tagapamahalang pinuno ng Simbahang Katoliko Romano ay may malalim na debateng teolohikal at kasaysayan. Maraming argumento ang isinasagawa mula sa Bibliya at mula sa kasaysayan upang suportahan ang iba’t ibang pananaw ukol dito. May mga punto mula sa Bibliya at kasaysayan na nagpapakita na maaaring may pagtutol sa paniniwalang si San Pedro (o apostol Pedro) ang unang Papa.

Ang mga Katoliko Romano ay nagpapahayag na si Pedro ang batong itinatayo ni Jesus bilang pundasyon ng Simbahan. Gayunpaman, maraming mga Kristiyano ang naniniwalang ang “batong itinatayo” ay hindi eksklusibong nauukol kay Pedro, kundi sa pananampalataya na ipinahayag ni Pedro na si Jesus ay ang Mesiyas, Anak ng Diyos. Ito ay ipinahayag ng lahat ng mga apostol, na maaaring nagpapahiwatig na hindi lamang si Pedro ang pinaka-katangi-tanging may tungkuling ito.

Ang Ebanghelyo ni Marcos, na naglalarawan ng buhay ni Jesus, ay hindi bumabanggit na si Pedro ay itunuring na unang Papa.

Una lamang lumitaw at ginamit ang salitang Latin na “Papa” o Pope noong 521 C.E para itukoy sa mga “bishop” na namumuno sa kanilang iglesia. Si Enodius ang unang gumamit ng pananalitang Papa noong 521 C.E at kauna-unahang naging popyular na titulo noong ikalabing-isang siglo C.E para sa mga “bishop” ng Kanluraning Simbahan. Inaamin ito sa The Catholic Encyclopedia, volume 8, page 571 sa publikasyong Katoliko.

Sino ang unang nagproklama na si Pedro, na apostol ni Jesu-Kristo, ang naging “unang Papa ng Simbahang Katolika?”

Noong 27 Pebrero 380 C.E, sina Theodosius I, Gratian, at Valentinian II ay naglimbag ng kautusang “Kautusan ng Tealonica” upang ang ihayag ng lahat ng kanilang mga nasasakupan ang pananampalataya ng mga obispo ng Roma na si Papa Damaso I at ng papa ng Simbahan ng Alehandriya na si Papa Pedro II ng Alehandriya na pananampalatayang Niceno. Ito ay isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko Romano, kung saan ang pagkilala kay San Pedro bilang unang Papa ay naging opisyal at kinilala ng mga lider ng Imperyong Romano.

Naniniwala ang mga Katoliko na ‘walang patid’ o hindi naputol ang linya ng pagkahalili ng mga Papa sa Roma. Subalit, ang mga Protestante at sekular na mga istoryador ay karaniwang nagkakasundo na malamang na “walang nag-iisang ‘monarkikal’ na obispo sa Roma bago ang kalagitnaan ng ika-2 siglo…at malamang na mas huli pa.” (Cambridge History of Christianity, volume 1, 2006, page 418)

Walang binabanggit ang Bibliya na si Pedro ang kauna-unahang Papa ng mga unang Kristiyano. Samakatuwid, ang itinuturo ng Bibliya ay si Pedro ang “apostol ni Jesu-Cristo. Sa mga hinirang ng Diyos na nasa iba’t ibang dako..” (1 Pedro 1:1, Magandang Balita Biblia)

Read more.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started