Bagamat lumaking Katoliko, umani ngayon ng samo’t-saring batikos ang isang Drag Den contestant na si Pura Luka Vega matapos itong mag-perform sa isang bar habang nakaayos at naka-costume ito na tila si Hesus at ang caption nito ay “Thank you for coming to church!” Sumasayaw din siya kasama ng ilang mga kasamahan niya sa bar at ang masaklap dito — ginamit niya ang popular na himno na ‘Ama Namin’.