Si Jesu-Kristo sa paningin ng mga Muslim |

Para sa mga Muslim, ang tawag sa mga tagasunod ng relihiyong Islam, si Jesus (Isā, sa Arabic) ay kinikilala nilang “anak ni Maria” at siyang natatanging propeta o mensahero ng Diyos (o Allah) at siyang Mesias na ipinadala para sa mga Anak ni Israel sa tulong ng kanyang Ebanghelyo (o Injil).

Sa kanilang sagradong aklat na Qur’an, si Jesus ay inilalarawan bilang isang Mesias (o al-MasΔ«h) na makahimalang ipinanganak ng isang birhen, nagsagawa ng mga nakakamanghang milagro kasama ng kanyang mga disipulo, itinakwil ng mga relihiyusong Judio ngunit hindi tuluyang naibayubay sa tulos (o sa krus) at namatay, ni nabuhay na mag-uli; sa halip, siya ay inaakala nilang iniligtas ng Diyos sa makahimalang gawa patungo sa kalangitan.

Ayon sa mga Muslim, si Juan na tagapag-bautismo ay naging kahalili ni Jesus at sinundan naman ni Muhammad, ang kinikilalang propeta ng Islam. Naniniwala sila na ang pangalang Ahmad ay isang propesiyang pantukoy sa pagdating ni Muhammad bilang isa sa mga huling propeta. Ano naman ang pinagkaiba ng pananaw ng mga Muslim sa mga Kristiyano pagdating kay Jesus?

Maraming pagkakaiba ang Islam at Kristiyanismo pagdating sa pagkakilala nila kay Jesus. Halimbawa, hindi pinaniniwalaan ng mga Muslim na si Jesus ang Anak ng Dios, o isang Diyos na halos pinaniniwalaan naman ng mga Kristiyano.

Para sa mga Muslim, si Jesus ang Mesias na darating muli sa Ikalawang Pagparito kasama ni Imam Mahdi upang puksain ang Al-Masih ad Dajjal o Huwad na Mesias, kasama ang mga hukbo ng Gog at Magog. Pagkatapos nito, maghahari umano sila sa buong mundo ng may kapayapaan, katarungan, at mamamatay pagkatapos ng 40 taong paghahari.

Naniniwala rin silang ililibing si Jesus sa tabi ni Muhammad sa ikaapat na reserbang libangan ng Green Dome sa Medina. Subalit ang paniniwalang ito ay nakuha lamang sa isang apokripal na tradisyon ng mga hadith at hindi sa Qur’an, ni sa Bibliya.

Kataka-takang isipin na ang ilan sa mga paniniwala ng mga Muslim patungkol sa buhay ni Jesus noong siya’y nasa lupa pa ay galing sa mga ilang sipi ng mga apokripal na mga aklat na hindi kasali sa canon ng Banal na Kasulatan! Halimbawa nito ay ang milagrong ginawa ni Jesus katulad na lamang ng paggawa niya ng mga ibon na yari sa alabok sa pamamagitan ng paghinga sa kanila. (Qur’an 3:43-49; 5:109-110) Ang kuwentong ito ay hindi binanggit sa apat na Ebanghelyo kundi hinalaw mula sa apokripal na akdang Infancy Gospel of Thomas, at sa Judiong Toledot Yeshu.

Hindi pare-pareho ang pananaw ng mga Muslim, Judio at Kristiyano kay Jesus. Kahit na magkakaiba ang pananaw nila at paniniwala sa kanya, nagbibigay ito ng malawak na pang-unawa sa atin upang mas lalo pang makilala “ang isinugo [ng Diyos], si Jesu-Kristo.” β€” Juan 17:3


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started