Paano magagamot ang baradong tenga dahil sa sipon? |

Pangkaraniwan na sa tao ang magkaroon ng sipon at ubo dahil sa maraming kadahilanan. Ang pagkakaroon ng sipon sa tenga ay isang pangkaraniwang sakit na nakakaapekto hindi lang sa mga matatanda kundi maging sa mga bata. Ito ay isang normal na kalagayan na kung saan ang tenga ay regular na nagpapalabas ng fluid papunta sa likod ng ating lalamunan. Kapag ang ating tenga ay mabarahan, dito maiipon ang nasabing mga fluid at doo’y nagkakaroon ng otitis media with effusion o mas kilalang “tenga na may sipon”. Kung ikaw ay mayroong Otitis Media Effusion (OME), alam mo nang ikaw ay may bahagi ng tenga na napupuno ng fluid at doo’y maiisip mong ikaw ay may baradong tenga dahil sa sipon.

Ang sanhi ng baradong tenga dahil sa sipon

Kadalasang ang mga bata ang natatamaan ng OME o baradong tenga dahil sa sipon, at bihira naman sa mga adulto. Dahil ito sa hugis ng tubo sa tenga ng mga bata na mas maiksi at mas maliit ang butas kung ikumpara sa mga nakatatanda.

Ang sintomas ng baradong tenga dahil sa sipon

Para sa mga nakaranas ng ganitong uri ng karamdaman, lalo na sa mga bata at adulto, ang pagkakaroon ng OME ay nalalaman sa ilang sintomas kagaya ng paghina ng pandinig dahil na rin sa napupuno ang kanilang tenga ng kung anong fluid na bumabara roon. Nakadepende sa pasyente ang nagiging sintomas nito lalo na kung siya ay isang bata o nasa tamang gulang na.

Paano malalaman kung barado nga ang tenga dahil sa sipon?

Kapag sinuri ng isang doktor o espesyalista ang tenga ng isang tao, gagamitin niya ito ng tinatawag na Otoscope na isang uri ng lente na may ikaw na ang dulo ay naipapasok sa tenga.

Gamit ang ganitong instrumento, hahanapin ng doktor sa tenga ng tao ang:

✔️ Bula sa ibabaw ng eardrum;

✔️ Eardrum na hindi makinis o makintab;

✔️ Nakikitang tubig o sipon sa likod ng eardrum;

✔️ Hindi paggalaw bf Eardrum kapag inihipan ito ng kaunting hangin.

Ano ang gamot para sa OME o baradong tenga na may sipon?

Ang OME o sakit sa tenga na may sipon ay kusang gumagaling na lamang. Pero kung ito ay pabalik-balik ay may posibilidad na magkaroon ng impeksyon sa tenga. Kung kaya, ang doktor ay magbibigay ng nirekomendang gamot gaya ng banayad na antibiotic para maibsan ang impeksiyon.

Kapag naramdaman mong barado pa rin ang iyong tenga sa loob ng anim o higit pang mga araw, kinakailangan mo nang bumalik sa iyong doktor at patingnan ang tenga mo. Ang isa sa mga susunod na irerekomenda ng doktor upang magamot ito ay ang paggamit ng tubo sa tenga na tutulong para mailabas ang fluid na naipon sa likod ng tenga.

Inirerekomenda rin ng mga doktor, kung minsan, ang pagtatanggal sa tonsil para magamit ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga dahil ang tonsil ay maaaring makabara sa daanan ng tubig galing sa tenga.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started