Nipah Virus — Ano nga ba ang sakit na ito? |

Magkakaroon ng malalakas na lindol, gayundin ng mga epidemya at taggutom sa iba’t ibang lugar. Makakakita ang mga tao ng nakakatakot na mga bagay, at magkakaroon ng mga tanda na kitang-kita sa langit.” — Lucas 21:11, Bagong Sanlibutang Salin

Hindi pa man natatapos ang pandemyang idinulot ng COVID-19, nakikipagbuno naman sa ngayon ang mga awtoridad ng bansang India sa paglitaw ng isang nakamamatay na panibagong salot na kung tawagin ay Nipah Virus. Dahil dito, nagdulot ito ng agarang pagsasara ng mga paaralan, opisina at transportasyon sa Kerala, ang southern state ng bansang India. Ano nga ba ang nakababahalang panibagong virus na ito?

Ang dalit ni Kamatayan

Ayon sa pahayag ng World Health Organization (WHO), ang Nipah Virus infection ay itinuturing na isang uri ng “zoonotic illness” — o ang uri ng karamdaman na nagmumula sa mga hayop.

Ayon sa tala ng kasaysayan, unang naitala ang pagkalat ng Nipah virus outbreak noong 1998 sa bansang Malaysia matapos na kumalat ito mula sa mga nag-aalaga ng baboy.

Ang naturang virus ay ipinangalan sa lugar kung saan ito natuklasan.

Ang Nipah virus ay naisalin mula sa mga virus ng mga fruit bat. Unang naganap sa bansang India at Bangladesh ang pagkalat ng Nipah virus dahil sa pagkonsumo ng prutas at hilaw na date palm juice na nahawaan ng ihi, dumi o laway ng mga infected fruit bat.

Ang mga sintomas ng Nipah Virus

Ang lagnat, pagsusuka, at respiratory infection ay kasama sa ilang mga sintomas ng Nipah virus. Posible ring maging sanhi ito ng seizure at pamamaga ng utak na nagreresulta sa comatose, ayon sa mga doktor.

Mapanganib nga ba ang Nipah virus?

Para sa mga eksperto, “nakakamatay” ang Nipah virus. Isa ito sa ngayon sa pinangangambahan ng WHO, matapos ang COVID-19.

Ayon sa tala ng WHO, mayroon na itong high fatality rate na mula sa 50% hanggang 70% na kung saan maaari nitong maapektuhan ang tatlo hanggang apat na limang nagawang indibiduwal.

Ayon naman sa sinabi ni Rontgene Solante, isang Filipino infectious disease expert, ang Nipah virus ay nakamamatay dahil sa kakayahan nitong makahawa sa utak na posible magdulot ng encephalitis o ang pamamaga ng utak. Karagdagan na niya, kapag ang tao ay nahawaan ng Nipah virus na magpapalaya ng utak, posible din umanong maapektuhan ang iba pang organs nito, partikular na ang puso at baga.

Kaugnay ng ulat na ito, mayroon ng dalawang indibiduwal sa Kerala ang naitalang nasawi sa ika-apat na outbreak ng Nipah virus sa India.

Samantala, wala pang bakuna o anumang naisasagawang lunas para sa Nipah virus. Ngunit patuloy itong pag-aaralan ng mga dalubhasa.

Sa ngayon, wala pa namang naitatalang ulat na kaso ng Nipah virus dito sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Pinag-iingat naman ng mga doktor at maging ng gobyerno ang mga Pilipino na laging maghugas ng kamay, at ingatan ang sarili. Patuloy ring hinihikayat na magsuot ng face mask ang bawat isa upang makaiwas sa anumang uri ng nakamamatay na karamdaman — maging COVID-19 man ito o ang bagong Nipah Virus.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

One thought on “Nipah Virus — Ano nga ba ang sakit na ito? |

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started