Ang malagim na sinapit ng sikat na ateista na si Madalyn Murray O’Hair sa kamay ng kapwa niyang ateista |

“Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti.”Salmo 14:1, ASND

Ang larawan ng isa sa batikang ateista, at kritiko ng relihiyon, si Madalyn Murray O’ Hair. | Credits: Wikipedia.

Sino ang mag-aakala na ang matagal mong itinuturing na kaibigan, at kasama sa isang organisasyon ang siyang magtataksil sa iyo at magdadala sa iyo sa napakatinding kapahamakan na hindi mo inaasahan? Ganyan na ganiyan ang malagim na sinapit ng isa sa batikang ateista (atheist, o hindi naniniwala sa Diyos, Biblia at supernatural) na si Madalyn Murray O’ Hair na pinaslang ng kanyang katiwalang ateista na nagtatrabaho sa kanilang secular organization na kung tawagin ay American Atheists noong Setyembre 29, 1995.

Ang masalimuot na buhay na walang kinikilalang Diyos

Si Madalyn Murray O’ Hair ay anak nina John Irwin at Lena Scholle Mays. Isinilang siya noong ika-13 ng Abril taong 1919 sa Pittsburg, Pennsylvania.

Sa kabila ng pagiging relihiyoso ng kanyang mga magulang, tumalikod siya sa kanyang pananampalataya sa Diyos at naging isang ateista noong siya’y nagdadalaga pa lamang. Una niyang naging kasintahan si John Henry Roths subalit nagkahiwalay sila noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at dahil na rin sa pagkakasali nila sa dalawang magkahiwalay na partido ng Marine Corps at Womens Army Corps. Hindi nagtagal, nagkaroon ulit si Madalyn ng karelasyon, at dito nagbunga ang kanilang naging anak na si William J. Murray na isa sa mga naging Kristiyano at manampalataya sa Diyos sa huli.

Si William J. Murray ay ang isa sa mga anak ni O’ Hair na natakwil sa kanilang pamilya dahil naging isa siyang Kristiyano. Siya lamang ang naka-survive sa kanilang pamilya matapos na patayin ng kapwa atheist ang kanyang inang si O’ Hair kasama ang dalawa nitong kapatid at ang anak nito. | Photo credits: Religious Freedom Coalition.

Si Madalyn Murray ang tagapagtatag ng American Atheists na isa sa mga sekular na samahan ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos, sa Bibliya at sa anumang porma ng relihiyon sa daigdig.

Nasadlak sa imoral na pamumuhay si Madalyn at isiniwalat mismo ng kanyang anak na si William kung gaano ito karumi sa kanyang pag-uugali, kilos at pananalita.

Batay sa isinapublikong pahayag ni William J. Murray, ang ina nitong si Madalyn ay isang “napakasamang tao”. Inilarawan niya ang kanyang buhay sa kamay ng kanyang ina at mga kapatid na naimpluwensyahan ng kaisipang ateismo at mga turo ng kanyang “masamang ina”. Itinuring siyang “traydor” ng kanyang ina at mga kapatid dahil sa paglipat nito ng paniniwala sa theism kaysa sa atheism.

Si William ay nakumbertir sa relihiyong Kristiyanismo at naging isa sa mga pastor ng Baptist Church. Ganito ang pahayag ni William ukol sa kanyang pagkakilala sa kanyang ina, at mga kapatid hanggang sa panahong sila ay maglaho nang parang bula at natagpuan na lamang na patay na sa kalunos-lunos na kalagayan:

When I was a young boy of ten or eleven years old she would come home and brag about spending the day in X-rated movie theaters in downtown Baltimore. She was proud of the fact she was the only woman in the movie house watching this filth. My mother’s whole life circulated around such things. She even wrote articles for Larry Flynt’s pornographic magazine, Hustler. My mother lived in spiritual death as Paul writes: “But she that liveth in pleasure is dead while she liveth.” (1 Timothy 5:6)

My mother delighted in hiring unrepentant criminals to work in her atheist office. She particularly enjoyed hiring convicted murderers who had served their time but were unrepentant about what they had done. She got a sense of power out of having men in her employ who had taken human life. It was the love of power over people that finally caused not only her death, but the deaths of my brother and my daughter…

She stole huge amounts of money. She misused the trust of people. She cheated children out of their parents’ inheritance. She cheated on her taxes and even stole from her own organizations. She once printed up phony stock certificates on her own printing press to try to take over another atheist publishing company. I could go on but I won’t.

[ “Noong bata pa ako sa edad na sampu o labing-isang taong gulang ay umuuwi siya [si O’Hair] at ipinagyayabang ang paggugol ng araw sa mga sinehan sa X-rated [pornography] sa downtown Baltimore. Ipinagmamalaki niya ang katotohanang siya lang ang babae sa movie house na nanonood ng karumaldumal na ito. Ang buong buhay ng aking ina ay umikot sa mga ganitong bagay. Sumulat pa siya ng mga artikulo para sa pornographic magazine ni Larry Flynt, Hustler. Ang aking ina ay nabuhay sa espirituwal na kamatayan gaya ng isinulat ni Pablo: ‘Ngunit siya na namumuhay sa kasiyahan ay patay habang siya ay nabubuhay.’ (1 Timoteo 5:6)

Tuwang-tuwa ang aking ina sa pagkuha ng mga hindi nagsisisi na mga kriminal upang magtrabaho sa kanyang pang-ateistang opisina. Siya ay partikular na nasiyahan sa pagkuha ng mga nahatulang mamamatay-tao na nagsilbi sa kanilang oras ngunit hindi nagsisisi sa kanilang ginawa. Nakaramdam siya ng kapangyarihan sa pagkakaroon niya ng mga lalaking nagpapatrabaho na kumitil sa buhay ng tao. Pagmamahal sa kapangyarihan sa mga tao ang naging sanhi hindi lamang ng kanyang kamatayan, kundi ng pagkamatay ng aking kapatid na lalaki at ng aking anak na babae…

Nagnakaw siya ng malaking halaga ng pera. Ginamit niya sa kamalian ang tiwala ng mga tao. Niloko niya ang mga bata mula sa mana ng kanilang mga magulang. Dinaya niya ang kanyang mga buwis at nagnakaw pa sa sarili niyang mga organisasyon [na American Atheist]. Minsan ay nag-print siya ng mga pekeng stock certificate sa sarili niyang printing press para subukang kunin ang isa pang atheist publishing company. Maaari akong magpatuloy ngunit hindi ko gagawin..”] ¹

Tumatak sa kaisipan ng mga tao ang sinabi ni Madalyn Murray O’ Hair na “walang Diyos. Walang langit. Walang impyerno. Walang mga anghel. Kapag namatay ka, napupunta ka sa lupa, kinakain ka ng mga uod. [“There is no God. There’s no heaven. There’s no hell. There are no angels. When you die, you go in the ground, the worms eat you.”] ²

Ang malagim na pagpaslang kay O’ Hair at sa kanyang ateistang mga anak

Hindi inaakala ni O’ Hair na ang kanyang mga na-hire na empleyado sa kanilang atheistic organization ang magdudulot sa kanya ng patung-patong na disgrasya. Ito ay napatunayan sa katauhan ng ex-convict na si David Roland Waters, ang isa sa naging office manager ng American Atheists. Ayon kay William, mahilig magpapasok ng mga kriminal o mamatay-tao ang kanyang ina bagamat nililihim ito sa kanilang samahan. ³

Dahil rito, nagkaroon ng matinding dagok ang organisasyon ng American Atheists simula nang mabalitaang nawawala sina Madalyn kasama ang kanyang dalawang ateistang anak na sina Jon at Robin. Inakala ng kanilang organisasyon na umalis nang patago ang mag-ina kasama ang mga winaldas na pera ng American Atheists. Pero natagpuan na naka-intact pa rin sa banko ang pera nila at na hindi rin na-ransack ang kanilang bahay. Maging ang mga kasambahay ay wala ring alam kung nasaan na ang mag-ina.

Dahil sa pagkawala ni Madalyn at ng kanyang dalawang anak, nagkaroon ng iba’t-ibang haka-haka ang mga kaibigan at kapamilya nila sa kanilang sinapit. Ngunit hindi ito sapat para paniwalaan man lang.

Ilang araw ang nakalipas, natagpuan din ang kani-kanilang mga bangkay. Ang mas nakakalungkot lamang ay halos hindi na ma-identify ang kanilang mga hitsura dahil tinadtad sila at hinati-hati ang kanilang mga katawan.

Inakusahan si David Waters ng patung-patong na kaso kaugnay sa kanyang pagpaslang kay Madalyn Murray at sa mga anak nitong sina Jon at Robin kasama na ang isang anak ni William.

Ang pagpatay na ginawa ni Waters ay naghatid ng labis na kahihiyan sa American Atheists bagamat siya ang piniling maging office manager nila.

Sa kabila ng kritisismo ni William Murray sa “maling pamumuhay” ng kanyang ina, at mga kapatid humingi siya ng paumanhin sa mga nagawa ng magulang niya.

Mga Sanggunian:

¹ Son calls famous atheist Madalyn O’ Hair “evil”.

² The Murder of Madalyn Murray — America’s Most Hated Woman

³ ibid.,


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started