Hiwaga sa Bermuda Triangle ‘nalutas’ ayon sa isang siyentipiko |

Ang lokasyon ng tanyag na Bermuda Triangle. |Photo Credits: Getty Images.

Tanyag sa mundo ang Bermuda Triangle dahil sa misteryong bumabalot sa malaking rehiyon na ito na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng North Atlantic Ocean. Tinatawag rin itong “The Devil’s Triangle” dahil sa mga napapabalitang pagkawala ng mga aircraft at barko sa di-maipaliwanag na dahilan o pangyayari.

Sa kabila nito, maraming mga siyentipiko ang nagtangkang alamin ang rason ng pagkawala ng mga barko at aircraft na dumadaan sa nasabing mahiwagang lokasyon o dako. Kabilang sa mga natural na teoryang ito ay ang magnetic anomaly na umiiral sa area ng Bermuda Triangle, pagkakamali ng tao (human error), mga bayolenteng sama ng panahon, at iba pa. Ang iba ay nabigo sa paglutas ng misteryo, at may iba naman ay mayroong kanya-kanyang mga pananaw.

Sa teorya naman ng iilang nagtangkang lutasin ang misteryong bumabalot sa Bermuda sa supernatural na dahilan, ang kanilang paniniwala ay mayroong whirlpool na nakatago roon, samantalang sinasabi naman ng iba na kagagawan umano ng mga extraterrestrial entities o di-kaya’y aliens ang mga insidente roon. Subalit may isang panibagong eksperto ang nagsabing ang lahat ng misteryong ito ay maipapaliwanag umano dahil sa mga bato.

Ayon sa panayam ng isang Channel 5 Documentary kay Nick Hutchings, isang mineral prospector, kanyang ipinaliwanag na: “Ang Bermuda ay maituturing na isang sea mountain — ito ay isang bulkan na nasa ilalim ng katubigan. 30 milyong taon na ang nakalilipas, ito ay nananatili sa itaas ng antas ng dagat. Nawasak na ito ngayon at naiwan na itong sa tuktok ng isang bulkan. Mayroon kaming ilang mga pangunahing sample, na mayroong magnetite sa mga ito. Ito ang pinaka-magnetic na natural na nagaganap na materyal sa Earth.”

Sa programa ng Channel 5 documentary, isinagawa ni Mr. Hutchings ang isang eksperimento sa pamamagitan ng ilang bato at isang kompas. Kapag ang bato ay inilagay sa isang patag na ibabaw at ang kumpas ay inilipat sa ibabaw nito, ang karayom ay nawawala sa sarili nito. Ito ay dahil sa ang katunayan na ang mga bato ay naglalaman ng magnetite. Idinagdag pa ni Mr. Hutchings: “Hindi mo maiisip na ang mga sinaunang marino ay naglalayag sa Bermuda. Ito ay magiging lubhang nakalilito.”

Bagamat nakapagbigay si Mr. Hutchings ng isang siyentipikong eksplinasyon o teorya sa misteryong bumabalot sa Bermuda Triangle, hati pa rin ang reaksyon ng iilan dito. Hindi pa rin nasagot ang tanong kung bakit may iba-ibang di-maipaliwanag na pangyayari na naging dahilan sa paglubog ng mga barko at ang biglaang pagkawala ng mga eroplano na hindi na kailanman nakita? May mga napapabalita ring misteryosong liwanag na makikita sa himpapawid kapag sumapit ang takipsilim. Ang ganitong pangyayari ay naiulat mismo ni Christopher Columbus noong siya ay naglalayag patungo sa Amerika.

Patuloy na naghahanap ng kasagutan ang mundo ng siyensiya kaugnay sa nananatiling hiwaga sa tinaguriang The Devil’s Triangle ng North Atlantic Ocean.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started