Biringan City — siyudad nga ba ng mga engkanto? |

Ayon sa mga alamat, ang lungsod ng Biringan ay isang nakatagong siyudad o lungsod na matatagpuan sa probinsiya ng Northern Samar, Leyte, sa Pilipinas. Ang lungsod na ito umano ay tinatahanan ng mga engkanto o lamang lupa, at para sa mga naniniwala rito, ito ay isang mala-engkantong lugar.

Ang mga engkanto o enchanted beings ay mga nilalang na kayang magpalit ng anyo, mailigaw ang tao, at komontrol ng kalikasan, pero mayroon din silang emosyon at damdamin na gaya sa ordinaryong tao.

Isang halimbawa ng pagsasalarawan sa mga engkanto na naninirahan sa isang misteryosong siyudad na kung tawagin ay Biringan. | Credits: Legend & Folktales

Ang lungsod ng Biringan ay hindi nakikita ng mga mata ng tao ayon sa paniniwala ng iilang taong naninirahan sa kalapit na bahagi ng Gandara, Tarangan, at Pagsanghan sa Samar. Subalit may ilang tao ang nagsasabi na sila umano’y nakapunta o dinala sa nasabing misteryosong lugar. Ang Biringan City ay tinaguriang “lost city of Samar”.

Ayon sa pagsasalarawan ng mga naniniwala, ang lungsod ng Biringan ay isang lugar na punóng-puno ng mga advance high-tech na mga imprastraktura at arkitektura, kabilang na ang mga naglalakihang skyscrapers, bullet trains, at futuristic devices.

Sa isang dokumentaryong salaysay ng GMA News’ anchor na si Mel Tiangco, “mayroong pitong portals o waypoints na papasok [sa mahiwagang dako], isa na riyan ang isang lumang puno.” Ayon sa mga lokal na residente, ang mga engkanto ay gumagamit ng trance o isang uri ng mental telepathy upang maakit ang sinumang tao na kanilang iimbitahin sa kanilang lugar. Na-i-feature rin sa Kapuso Mo Jessica Soho ang kamakailan lang na napapabalitang isang pangyayari na may kaugnay sa Biringan.

Para sa mga naniniwala, ang siyudad ng Biringan ay isang maganda, at mala-paraisong lugar na pinamamahayan ng mga intelihenteng nilalang na may abanseng kaalaman kaysa sa mga orindinaryong tao. Ang lugar ding ito ay naging tampulan ng misteryo at takot, lalo na sa mga taong nakapunta roon at hindi na umano nakabalik pa ng buhay, o di kaya’y sa mga nakabalik man at nagkukwento ng “kakaibang istorya“, at nadatnang may malubhang karamdaman.

Walang ebidensiya na umiiral ang lungsod na ito, ayon sa mga siyentipiko at historyador. Subalit ang kuwento ukol sa Biringan City ay mananatiling isang alamat at nakatali na sa kultura at imahinasyon ng mga Waray na mayroong malalim na kaugnayan sa kanilang lupang tinubuan at kasaysayan.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started