Namatay ba si Jesus sa isang “pahirapang tulos” o sa “krus”? |

Ang tanong na ito ay mayroong kasagutan kung ang pagbabasehan natin ay ang Bibliya, ang awtorisadong Salita ng Diyos. Bagamat matagal na itong naging usap-usapan at isyu sa relihiyon, maraming katibayan sa siyensiya at kasaysayan ang sumasang-ayon na si Jesus ay namatay, hindi sa tradisyonal na “krus”, kundi sa isang pahirapang tulos.

Ang malakas na ebidensiyang ito ay nagmumula mismo sa Bibliya na kung saan mababasa sa orihinal na lenguwahe ang salitang ginamit para sa instrumentong pumatay kay Kristo — ito ang Griyegong salita na kung tawagin ay “stauros” ¹ (Strong’s Concordance #4716), na isinalin bilang “krus” sa karamihang salin ng Bibliya. Pero ang totoong depinisyon nito ay tumutukoy sa isang patindig na tulos gaya ng inilarawan ni Homer na isang manunula.²

Maliban dito, may isa pang salitang ginamit sa Bibliya upang tukuyin ang instrumentong ginamit para patayin si Kristo. Ginamit sa Gawa 5:30; 10:39 ang Griyegong salita na “xulon” para tukuyin ang “punong-kahoy” na kung saan ibinayubay ang Panginoon. Sa simpleng salita, tumutukoy ang xulon sa isang punong-kahoy, o di-kaya’y sa isang poste o tulos.

Kung gayun, saan galing ang paniniwalang si Jesus ay namatay sa “krus” na tradisyonal nang sinusunod ng karamihang umaangking Kristiyano?

Matagal nang ginagamit ang krus [na may dalawang pinagpatong na kahoy na hugis Tau] sa paganismong pagsamba bago pa man dumating si Kristo sa lupa.³ Hindi ito ginagamit ng mga tapat na lingkod ng tunay na Diyos sa Bibliya dahil ito ay isang uri ng idolatriya o pagsamba sa mga diyos-diyosan. (Deuteronomio 18:9-12, ASD)

Noong lumipas ang daan-daang taon nang nasa langit na si Jesus at namatay na ang kanyang mga apostoles, ang mga simbahan ay lumihis sa kaniyang mga turo. Sa halip na tanggalin ang bahid ng paganismo, ay “pinayagan [na] panatilihin ang kanilang mga paganong tanda at sagisag,” pati na ang krus, ayon sa The Expanded Vine’s Expository Dictionary of New Testament Words.

Kaugnay sa pisikal na ebidensiya, ang dalawang nadiskubreng sinaunang mga bangkay ng mga kriminal ay kinakikitaan ng sanhi ng pagkabayubay sa tulos (impalement, crucifixion). Sa unang bangkay, isang piraso ng mahabang pako ang natagpuang nakabaon sa paanan malapit sa bahagi ng bukong-bukong (ankles), na sumusuporta sa paliwanag na ang biktima ay nakaranas ng pagbayubay sa tulos.

Gayunpaman, hindi sapat ang tagal nang mag-isa upang ligtas na mailagay sa pangunahing poste, kaya ang taong ito, tulad ng marami pang iba na ibinayubay, ay binibigyan ng isang bloke ng kahoy na mauupuan nito malapit sa piging bahagi. Makakatulong ito na maiwasan ang pagpunit ng mga kuko sa mga pulso sa mga kamay.

Sa ilang kaso, gayunpaman, ang mga braso ng mga pinahirapan hanggang mamatay sa pamamagitan ng pagbayubay sa tulos ay itinatali gamit ang mga lubid sa halip na gumamit ng mga pako na tumusok sa laman. Sa ikalawang sinaunang bangkay na nabanggit sa itaas, ang biktima ay may “gasgas” sa kanyang bisig, ngunit ang pulso ay hindi nasira, kaya’t hindi lubos na malinaw kung ang biktima ay namatay sa tulos.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa paksang ito ay pakisuyong basahin ang artikulong Talaga Bang sa Krus Namatay si Jesus?

Mga Sanggunian:

¹ Stauros; Etymological Dictionary of Greek, Brill, 2009, p. 1391.

² Strong’s Concordance #4717

³ Cross, crucify. Expanded Vine’s Expository Dictionary of New Testament Words.

‘You Just Don’t Find This’: U.K. Archaeologists Have Unearthed the Full Remains of a Roman Crucifixion Victim.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started