Listahan ng mga ateista na naging Kristiyano sa huli (Part 1) |

“Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama,’ sabi pa ni Yahweh. ‘Ang ibig ko nga, siya’y magsisi at magbagong-buhay.”
Ezekiel 18:23 Magandang Balita Biblia

Wala nang hihigit pa sa sorpresa na makitang halos daan-daang di-naniniwala sa Diyos o mga ateista sa buong mundo ang nakatagpo ng liwanag ng ebanghelyo ni Kristo Jesus at naglalagay ng kanilang pananampalataya sa Kanya.

Ang non-theism ay itinuturing na hindi paniniwala sa anumang mga diyos, o bathala na kapareho ng ateismo sa pinakamalawak nitong kahulugan. Ang mga prefix na “a-” at “hindi-” ay parehong nagpapahiwatig ng “hindi, wala, o kulang.” Kinikilala ng ibang non-theistic religion na walang mga diyos na lumikha o kumokontrol sa sangkatauhan (kagaya ng Buddhism, Jainism at iba pa). Ang konseptong ang tao ay nag-iisa at ang isang mas malaking kapangyarihan (o Diyos) ay hindi tutulong sa kanya ay matagal ng kaisipan ng mga hindi naniniwala sa Diyos. Maraming mga ateista at hindi naniniwala sa Diyos ang masigasig na naniniwala sa agham at sa siyentipikong pamamaraan. Para sa kanila, ang mga materyalismo at mga bagay na nakikita, naaamoy, naririnig at nasusukat ng ating pandama ang maituturing na umiiral. Hindi sila naniniwala sa supernatural na mga bagay o mga espiritu, anghel, demonyo at mga kababalaghan.

Sa kabila nito, marami pa ring mga tanong na palaisipan sa mga ateista na hindi kayang ipaliwanag ng naturalistikong agham. Kung kaya may dahilan sila upang buksan ang isip nila at tahakin ang ‘kabilang dako’.

Narito ang ilan sa mga listahan ng mga dating ateista (Ing, ‘atheist‘) na naging tagasunod ni Jesus sa huli.

Mga dating ateista na tumahak sa dako ng ‘kaliwanagan’

1. A. N. Wilson — biographer at nobelista na pumasok sa theolohiya ng St Stephen’s House, Oxford bago ipahayag ang kanyang sarili na isang ateista at sumulat laban sa relihiyon; inihayag niya ang kanyang pagbabalik sa Kristiyanismo.

2. Akiane Kramarik — isang Amerikanong makata at talentadong bata na pinalaki bilang isang ateista ng kanyang pamilya at nagbalik-loob sa Kristiyanismo. Nitong huli, nasagip niya ang kanyang buong pamilya sa ateismo patungo sa Kristiyanismo.

3. Aleksandr Solzhenitsyn — isang Nobel Prize-winning dissident author na nakumbertir sa Russian Orthodox Church.

4. Alexis Carrel – isang French surgeon at biologist na ginawaran ng Nobel Prize sa Physiology o Medicine. Naging Kristiyano siya dahil sa kanyang mga natuklasan sa larangan ng agham na kanyang pinag-aaralan.

5. Alexis Mason — isang Militante Atheist na nakumbertir sa Kristiyanismo.

Narito naman ang ilan sa mga batikang atheists na mas nakilala ngayon bilang mga nangungunang Christian apologists:

1. Alister McGrath — isa siyang sikat na biochemist at Christian theologian na naging founder ng “scientific theology” at kritiko ni Richard Dawkins sa kanyang akdang Dawkins’ God: Genes, Memes, and the Meaning of Life.

2. Allan Sandage – isang dakilang astronomer na nagbalik-loob sa Kristiyanismo sa bandang huli ng kanyang buhay, at nagsasabi, “Hindi ako mabubuhay ng isang buhay na puno ng pangungutya. Pinili kong maniwala [sa Panginoon], at nagkaroon ako ng kapayapaan ng isip.”

3. Barak Lurie — isang dating Jewish atheist na naging teista sa huli at siyang umakda ng sikat na Atheism Destroys: How Godlessness Destroys the Pillars of Civilization―and How to Fight Back (2) at ang (Atheism Kills).

4. C. S Lewis — isa sa mga Oxford professor at batikang manunulat; nakilala siya sa kanyang akdang The Chronicles of Narnia series, at sa kanyang apolohistang akda na Mere Christianity.

5. Lee Strobel — nakumbertir siya mula sa ateismo patungong Kristiyanismo at naging isang Christian apologist. Kilala si Strobel sa kanyang mga akda na The Case for Christ at ang The Case for the Creator na naging best-selling book niya.

6. Jordan Peterson — isang batikang ateista na nagkaroon ng interes sa theolohiya subalit naging palaisipan sa kanya ang paniniwalang mayroong Diyos na mabuti na isinasaad sa Bibliya. Sa kabila nito, kanyang pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa Bibliya upang tuklasin kung totoong masama ba o mabuti ang Diyos sa Bibliya. Sa huli, napagtanto niyang nakakapagbago ng buhay at pananaw ang Bibliya. Noong 2022, inanunsyo ni Peterson na hindi na siya isang ateista. Nagkaroon siya ng ilang bahagi ng mga lectures patungkol sa Genesis. Naging kasapi rin siya ng ilang iskolar sa Bibliya at mga teologo na dumidipensa sa katotohanan ng Banal na Kasulatan.

7. Rosalind Picard — siya ay pinalaki bilang isang ateista ng kanyang mga magulang at nagbalik-loob bilang isang young adult Christian. Siya ay isang iskolar at imbentor na nagtatag ng Affective Computing Research Group ng MIT. Nakatanggap siya ng pinakamataas na propesyonal na parangal na iginawad sa isang inhinyero.

Kasama sa gawain ng ama Picard ang pagbuo ng mga device at teknolohiya upang bigyang-kahulugan ang mga emosyon ng tao at makipag-usap nang mas masinsinan.

Ang sabi niya, “Akala ko noon ay itinapon ng mga relihiyosong tao ang kanilang mga utak sa labas ng bintana,” ngunit nagbago ang kanyang pananaw nang simulan niyang pag-aralan ang mga gawa ng mga Kristiyanong pilosopo at teologo, gaya nina C.S. Lewis at Thomas Aquinas.

Bukod pa rito, nagkaroon ng pagkakataon si Picard na masaksihan mismo ang mapagbigay at mapagkawanggawa na pag-uugali ng mga debotong Kristiyano sa kanyang personal na buhay.

Tunghayan ang ilan pang testimonya ng mga taong lumakad sa katotohanan ng Panginoon.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started