Ang ‘Pole Shift Hypothesis ‘ — Ano ba ito? |

Photo Credits: Science Photo Library (Public Commons)

(𝑵𝒐𝒕𝒆: 𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘵𝘪𝘬𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘪𝘱𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘰𝘵 𝘰 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘮𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘬𝘰.)

Ang 𝙿𝙾𝙻𝙴 S𝙷𝙸𝙵𝚃 ay tumutukoy sa magnetic field ng ating mundo na bumabaligtad sa polarity nito. Kung may magnetic reversal na mangyari ngayon, ang ating mga compass ay mag-iiba ng direksyon. Aakalain mong naligaw ka kapag nakita mong ang hilaga ay lumipat sa timog. Ang magnetic field ng Earth ay umaabot sa kalawakan sa libu-libong milya.

Ang huling pole shift ay naganap mahigit 790,000 taon na ang nakalilipas ayon sa paniniwala ng mga siyentipiko. Ito ang maaaring naging dahilan ng pagkalipol ng ilang mga sinaunang nilalang (gaya ng mga dinosaur, at iba pa).

Sa maniwala ka man o hindi, ang paglilipat ng poste (pole) ay dahan-dahang nangyayari na ngayon. Ito ay matapos mapansin ng mga scientists ang unti-unting paglalakbay sa timog ng magnetic North Pole o Hilagang Poste na nasa Canada. Tinatayang ang magnetic North Pole ay naglalakbay sa paligid ng 25 milya bawat taon, kung kaya, maaari mong isipin na ito ay mabagal ngunit bawat taon ay tumataas ang bilis nito.

Naniniwala ang karamihang tao na magaganap ang isang tinatawag na “global cataclysm” (o pang-globong delubyo) kapag nag-reverse ang mga magnetic pole ng Earth. Kapag ang hilaga ay lumipat patungo sa timog, sabi nila, ang mga kontinente ay lilitaw sa isang direksyon o sa iba pa, na mag-uudyok ng napakalaking lindol, mapaminsalang tsunami, mabilis na pagbabago ng klima at pagkalipol ng mga species. Dito mailalarawan ng ilang scientist ang tinatawag na “extinction level” o pagkalipol ng halos lahat ng nabubuhay sa mundo.

Sa kabila ng nakakatakot na senaryong ito, maraming mga bansa at organisasyon sa ngayon ang naghahanda at nag-aaral ng ilang mga praktikal na pamamaraan upang makagawa ng hakbang upang maiwasan ang nagbabadyang pagkawasak at maka-survive sa ganitong kalamidad. Ang ilang mga grupo ng tinatawag na 𝘚𝘶𝘳𝘷𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘰𝘭𝘦 𝘚𝘩𝘪𝘧𝘵 𝘎𝘳𝘰𝘶𝘱 ay nagbibigay ng kani-kanilang mga opinyon, suhestiyon at pananaw kung paano makakapaghanda ang isang indibiduwal sa ganitong pangyayari.

Ano ang biblikal na implikasyon nito?

Ang Biblia, bilang salita ng Diyos, ay nagpapaalam sa ating lahat na sa “mga huling araw” na isa rin sa mga senyales ng di-nakikitang Presensiya ni Jesus, ay “magkakaroon ng mga malalakas na lindol sa iba’t-ibang daigdig.” (Lucas 21:11)

Naniniwala ang iba’t-ibang relihiyon na ang daigdig ay magugunaw ng tuluyan. Ngunit taliwas ito sa tunay na mensaheng nais iparating ng Salita ng Diyos.

Malaki ang ipinapahiwatig na mensahe ng mga propesiya na nakasaad sa Banal na Kasulatan. Inihula sa aklat ni propeta Isaias ang isang senaryo ng isang malaking “delubyo” na magaganap sa hinaharap. Detalyadong ipinasulat ng Diyos kay Isaias kung paano paparusahan ng Panginoon ang buong bansa sa daigdig. Ganito ang nakasulat sa Isaias 24:17-20, Magandang Balita Biblia

“Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyo ang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag. Sinumang tumakas dahil sa takot, sa balong malalim, doon mahuhulog. Pag-ahon sa balon na kinahulugan, bitag ang siyang kasasadlakan. Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit, at mauuga ang pundasyon ng daigdig. Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito’y mabibiyak. Ang lupa’y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.”

Bagamat hindi lubusang wawasakin ng Diyos na Jehova ang literal na lupa, ipinapahiwatig lamang ng propesiyang ito na ang pupuksain sa araw na iyon ay “ang mga taong di-makadiyos.” (2 Pedro 3:7, Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan)

Mananatili ang ating daigdig dahil pipigilan ng Diyos na gibain ng taong masasama ang mundong ito dahil sa kanilang pagsuway sa kautusan at mga alituntunin ni Jehova. (Isaias 24:5)

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa paksang ito, basahin ang artikulo na Magugunaw ba ang Mundo?

Sanggunian: LiveScience


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started