Ano nga ba ang ‘Fermi Paradox’? |

Isa sa kadalasang tanong ng mga tao ay “kung tayo ba ay nag-iisa lamang sa buong kalawakan?” Simula pa nang lumitaw ang konsepto ng mga tinatawag na extraterristrial life at ang paniniwala sa mga tinatawag na aliens, maraming mga tao ang nagkaroon ng haka-haka na hindi lamang tayong mga tao, mga hayop at iba pang bagay dito sa ating Daigdig ang umiiral o nabubuhay! Pero totoo ba na mayroon pang ibang mga “nilalang” na nabubuhay sa ibang parte ng ating universe?

Ang teorya ng Fermi Paradox

Noong 1933, unang tinutulan ni Konstantin Tsiolkovsky, isang Soviet rocket scientist, ang paniniwalang mayroong mga ibang nilalang na umiiral sa ibang parte ng ating uniberso. Noon namang 1950, naging popyular ang paniniwalang ito matapos na maisapubliko ni Enrico Fermi ang kanyang mga pag-aaral patungkol sa buhay sa ibang parte ng ating uniberso. Sa kanya rin ipinangalan ang teorya ng Fermi paradox na tumutukoy sa kabalintunaan o pagka-imposible ng pagkakaroon ng mga ibang nilalang na nabubuhay sa ibang parte ng uniberso.

Larawan ng isang NASA astronaut.

Sa paradoksong ito, lumilitaw ang tila nakakalitong mga tanong na bumabangon sa bawat taong nag-aaral ng siyensiya lalong-lalo na sa astronomiya. Naitatanong ng iilan, “Bakit walang ma-detect na sinyales ng aktuwal na buhay sa ibang parte ng ating universe gayung ito ay sobrang napakalaki, napakalawak, at napakalayo?” Tinatayang umiiral ang universe ng halos 13.7 bilyong taon na ang nakalilipas. Sa tagal ng pag-iral ng ating Daigdig, hanggang ngayon ay wala pa ring impormasyon na nagbibigay ng katibayan na mayroong ibang mga nilalang na umiiral sa ibang parte ng ating sistemang solar, maging sa mga ibang planetang nadiskubre ng kasalukuyang agham at teknolohiya.

Kung bakit napaka-imposibleng matagpuan ang mga extraterristrial beings

Mayroong mga hadlang kung bakit wala pa ring matagpuang mga ibang nilalang na nabubuhay sa ibang bahagi ng ating kalawakan. Ang ilan sa mga hadlang na ito ay ang mga sumusunod:

  1. Ang Kalawakan ay napakalaki. Maaaring umiral ang extraterrestrial na buhay, ngunit maaaring hindi alam ng mga tao ang tungkol dito. Ang magpadala ng mga signal sa malalayong distansya sa ating kalawakan, at sa uniberso, ay sadyang mahirap. Ito ay dahil ang power output na kakailanganin para i-project ang signal ay lubhang napakalaki. Ang magkakaugnay (tulad ng laser) na mga signal ay naglalakbay sa bilis ng liwanag (speed of light), ngunit ang ating sariling kalawakan ay halos nasa 100,000 light years lamang ang kabuuan. Maaaring hindi makita ng mga dayuhang sibilisasyon ang signal, o maaaring hindi nila naiintindihan ang komunikasyon o ang paraan na ginagamit sa pakikipag-usap.
  2. Ang Kalawakan ay puno ng mga kaulapan ng alikabok. Ang kalawakan o space ay puno ng mga ulap ng alikabok at mga magnetic field, na makakaistorbo o mag-aalis sa kahit na isang magkakaugnay (tulad ng laser) na sinag ng electromagnetic radiation. Libu-libong tonelada ng cosmic dust ang inaakala na umaabot sa ibabaw ng Earth bawat taon. Ang isang signal ay haharap sa maraming interference sa anumang malayuang paglalakbay sa kalawakan. Kung ito ay mahirap o imposible para sa atin, ito ay maaaring mahirap din para sa iba pang mga anyo ng buhay. Kagaya na lamang sa ibang kalawakan, ang Andromeda galaxy ay umaabot sa 2.5 milyong light years ang layo.

Noong 1992, nagpulong sina  Frank Drake at  Carl Sagan kasama ang sampung mga dalubhasang attendees para pag-usapan ang maaaring posibilidad ng anyo ng buhay sa ibang kalawakan. Sa kanilang natapos na pagpupulong, ang kanilang naging espekulasyon ay maaaring umabot sa pagitan ng 1,000 at 100 milyong mga sibilisasyon ang umiiral sa ating sariling kalawakan o Milky Way galaxy gamit ang Drake equation.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started