Ang Hiwaga ng Grabidad at Ikalimang Dimensiyon|

Larawan ng astronaut na nasa labas ng sansinukob. | Photo Credits: The Virtual Assist

Si Isaac Newton (1642-1727 C.E) ang “ama ng modernong pisika”, at isa sa mga matatalinong teologo. Nakapagsulat siya ng mahigit sa isang milyong pananalita sa larangan ng siyensiya at dalawang milyon naman sa teolohiya.

Ang isa sa mga maituturing na kontribusyon ni Newton sa larangan ng siyensiya ay ang nadiskubre niyang “grabidad(gravity), at kung paano nito ginagabayan ang orbits ng mga planeta at ang tinatahak ng mga bagay na nasa kalawakan maging dito sa ating daigdig.

Alam niyo ba na ang natuklasang grabidad ay nakakapag-isa sa natural at sa supernatural? Gayun nga, ang mundo ng nakikitang bagay at ang mundo ng mga di-nakikitang bagay o nilalang kagaya ng mga espiritu, anghel at Diyos.

Nabubuhay tayo sa mundong may tatlong dimensyon o sukat.

Gumagalaw tayo sa espasyo (space), kaliwa man o kanan, pasulong (forward) o paatras (backward), pataas (upward) o pababa (downward).

Lahat ng bagay sa paligid natin, mula sa mga bahay na tinitirhan natin hanggang sa mga bagay na ginagamit natin sa pang-araw-araw na buhay, ay may tatlong dimensyon:

1. haba, (length),
2. taas (height), at
3. lapad. (width)

Sa Matematika, lalo na sa Heometriya, ang tuldok (point) ay mayroong zero dimension. Samantalang ang anumang figure na mayroong haba, tulad ng sa isang linya, ay mayroong “isang sukat” o “isang dimensiyon”. Ang isang pantay na ibabaw (plane or surface) ay mayroong “dalawang dimensiyon”; at ang isang figure na may dami o volume ay may “tatlong dimensiyon.” Ayon naman sa theory of general relativity ni Albert Einstein, ang “ikaapat na dimensiyon” ay ang oras o panahon (time).

Ano ang nasa ikalimang dimensiyon?

Hindi kayang ilarawan ng tao ang nasa ikaapat o ikalimang dimensiyon. Samakatuwid, iniisip ng mga physicist ang 2-dimensional na “Flatlanders” na nakakulong sa isang 2-dimensional na kapatagan at isinasaalang-alang kung paano bibigyang-kahulugan ng mga Flatlander ang tatlong dimensyon.  Ang mga naging konklusyon ay inilapat sa mga tao at ikaapat na dimensyon.

Subalit kaya nga ba nating malaman kung ano ang nasa ikalimang dimensiyon? Kung ang ang ating pisikal na mundo ay nababalot ng dalawa hanggang ikaapat na dimensiyon, maaaring ang nasa kabilang dimensiyon, samakatuwid, ay ang ikalimang dimensiyon ay nababalot ng mga bagay na hindi sakop ng pisikal na realidad. Dito pumapasok ang supernatural na kaganapan na halos lampas na sa natural na daigdig.

Ang siyensya ay hindi maaaring makawala sa mukha ng supernatural na realidad. Maaaring magsama ang dalawa upang mas lalo pa nating makilala ang katotohanan ng mundong ating ginagalawan at ang buhay.

Halimbawa, sa isang aklat ni Frank Close na pinamagatang Antimatter ay ganito ang kaniyang sinabi: “Mayroong isang salamin na mundo sa ating sarili – isang anti-world na binuo mula sa mga anti- particle na nagsasama-sama sa mga anti-atom, anti-molecule at posibleng maging anti-life. Ito ang mundo ng antimatter…” (New Scientist, 28 February 2009, p. 46)

Ang nagagawa ng grabidad sa ating dimensiyon

Ayon sa Diksyunaryong Pangkabuhayan, “ang grabidad o hilabigat ay isang natural na phenomenon kung saan ang mga pisikal na katawan(bodies) ay nabibighani o naaakit sa isang pwersang proporsiyonal sa mga bugat nito.

Para sa mga physicist, ang lahat ng materyal na bagay ay napasailalim sa paghihila ng grabidad. Ang grabidad ang humihila sa Lupa upang ang tao, mga hayop, sasakyan at iba pang bagay na nasa lupain ay hindi lumutang sa ere o di-kaya’y lumabas ng ating sansinukob.

Ang mas simpleng batas ng grabitasyon ni Newton ay nagbibigay ng isang tumpak na aproksimasyon para sa karamihan ng mga pisikal na sitwasyon. Ang grabitasyon ay isa sa apat na pundamental na interaksiyon ng kalikasan. Ang iba ay ang dagitabbalani, malakas na interaksiyon at mahinang interaksiyon. Ito ay mas mahina kung ihahambing sa tatlo pang pangunahing lakas, datapwa’t mas malayo ang nasasakop nito.

Ginawa ng Diyos ang grabidad upang maingatan tayo at gawing maayos ang takbo ng lahat ng mga nilikha sa ibabaw ng materyal na daigdig. — Job 38:33; Jeremias 33:25


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started