DART spacecraft ng NASA matagumpay na bumangga sa Dimorphos |

Screenshot na kuha mula sa BBC News.

Matagumpay na “nag-crash” sa asteroid Dimorphos ang spacecraft ng NASA nitong Martes, Setyembre 27, (Set. 26, sa Western standard), sa dakong 7:14 A.M (IST) at 7:14 P.M (EDT).

Ang DART (Double Asteroid Redirection Test) ang kauna-unahang space probe mission ng NASA na ipinabangga sa asteroid Dimorphos. Ang objective ng nasabing misyon ay upang malaman kung kaya nga bang ilihis ng DART ang isang asteroid sa kaniyang trajectory orbit. Kapag matagumpay na naisagawa ito, ito ang kauna-unahang pagkakataon na maaaring ma-divert o mailihis papalayo ang asteroid sa kalawakan, at mailigtas ang mundo sa anumang banta ng mga mapanganib na space rocks gaya ng mga asteroid.

Subalit, nilinaw ng NASA team na hindi banta sa ating planeta ang Dimorphos at ang iniikutan nitong mas malaking asteroid na kung tawagin ay Didymos. Ayon sa kanila, ang nasabing DART mission ay isa lamang eksperimento upang malaman kung pwedeng mapaiwas ng spacecraft ang malaking batong ito na nasa labas ng kalawakan.

Ang Dimorphos ay maituturing na malaking space rock at maihahalintulad sa lawak at laki nito gaya ng sa Great Pyramid of Giza ng Egypt at sa Eiffel Tower ng Paris.

Ngayong nakabangga na ang DART sa asteroid ay marami ang nagtatanong kung ano ang susunod na mangyayari?

Sa ngayon, hinihintay na lang ng NASA ang maaaring naging resulta ng pagbangga ng spacecraft at kung ito ba ay matagumpay na tumulak o nagpaiwas ng kunti sa orbit ng asteroid. Ayon pa sa NASA, aabutin ng ilang araw o Linggo bago makapag-anunsyo ang kampo nila ng resulta sa nasabing space mission.

Samantalang ang LiciaCube naman ay nakasunod na nag-aabang at nagmamasid sa maaaring maging resulta ng naturang misyon bago ito makapagpadala ng data impormation sa Earth sa mga susunod na araw.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started