Ano nga ba ang Kabbalah? (Part 1)|

Ang ilustrasyon ng sampung bahagi ng Sefirot. | Courtesy: Wikimedia Commons

Marahil naitanong mo na sa sarili mo kung “bakit ka nabubuhay sa mundong ito“, at kung “ano nga ba ang kahulugan ng buhay”? Ang ganiyang mga tanong ay natural lamang sa ating mga tao. Subalit malaki ang naidudulot nito sa ating pagkatao lalo na’t gusto nating suriin kung sino tayo, at kung ano ang layunin natin sa mundong ito.

Ang pag-aaral sa ganitong espirituwal na aspeto ay may malalim na dahilan. Isa sa mga makatawag pansing aral ang tinatawag na “Kabbalah” (minsang ibinabaybay na Qabbalah, Cabala),. Ano nga ba ito?

Ang kahulugan ng Kabbalah?

Ayon sa Encyclopedia.com, “Ang Kabbalah ay ang tradisyonal at pinakakyaraniwang ginagamit na termino para sa mga esoteric na turo ng Judaismo at para sa mistisismo ng mga Hudyo, lalo na ang mga anyo na ipinapalagay nito noong Middle Ages mula noong ika-12 siglo. Sa mas malawak na kahulugan nito, ipinapahiwatig nito ang lahat ng sunud-sunod na esoteric na paggalaw sa Hudaismo na umunlad mula sa katapusan ng panahon ng Ikalawang Templo at naging aktibong mga salik sa kasaysayan ng Israel.

Naiuugnay ang Kabbalah sa mysticism o mahihiwagang bagay na hindi kayang ipaliwanag ng normal na pag-iisip ng tao.

Ayon sa mga tagapagtaguyod nito, ang pagkaalam sa Kabbalah ay nagwawaksi sa isang indibidwal na lisanin ang masamang pag-uugali at masamang pita ng laman tungo sa pakikipag-ugnayan sa Bathala o Diyos.

Hango mula sa salitang Hebreo ang Kabbalah na nangangahulugan ng “tradisyong natanggap” o di kaya minana ng mga Judiyong nagtataguyod nito mula sa kanilang mga sages o pantas.

Paano nagsimula ang Kabbalah?

Ayon sa tradisyon ng sinaunang relihiyong Judaismo, ang Kabbalah ay unang itinuro ng Diyos sa mga anghel bago naman niya ito ipinasa sa unang taong si Adan hanggang sa panahon ng Patriyarkang si Abraham.

Ang Kabbalah ay unang naipakilala noong lumaganap ang tinatawag na “Merkava mysticism” na unang lumitaw noon pang unang siglo C.E (Common Era). Ang salitang “Merkava” ay hango sa Hebreo na ang ibig sabihin ay “mga kalesa” (chariots), na may kinalaman sa isang pangitain na nakita ni propeta Ezekiel na binabanggit sa unang kabanata ng Aklat ni Ezekiel.

Ang pag-aaral ng Kabbalah ay madalas na iniuugnay sa esoterikong pag-aaral gaya ng “Merkava mysticism” o ang mahiwagang mga kalesa na nakita ni propeta Ezekiel sa Biblia. | Photo courtesy: Picryl/Wikimedia Commons

Mayroong nakatagong mga lihim sa pag-aaral ng Kabbalah na hindi pwedeng isapubliko ng mga nagsasanay ng ganitong pamamaraan.

Ang Talmudic Judaism ay nakapagtala ng kanilang pananaw kung paano mahusay na itinuturo ng isang pantas ang karunungan at mga panuntunan, na nasa Talmud. Sinasabi ng Hagigah, 11b-13a, “Ang kahit isa ay hindi maaaring magturo… ng ginagawa ng Paglikha sa bawat magkapares, ni ang ginagawa ng Kalesa sa isang indibidwal, hangga’t siya ay matalino at nakakaunawa ng ipinahihiwatig nito.”

Ayon sa Zohar, isang babasahin na naghahayag ng Kabbalistikong kaisipan, na ang pag-aaral ng Torah (Kautusan) ay may pinangungunahang apat na sangay ng interpretasyon (exegesis). Ang apat na sangay na ito ay tinatawag sa Hebreong salitang Pardes (paradise) mula sa kanilang inisyal na mga letra: (PRDS, פַּרדֵס, orchard)

Peshat (Hebrew: פשט lit. “simple”): ang direktang interpretasyon ng kahulugan.

Remez (Hebrew: רֶמֶז lit. “hint[s]”): ang allegorical na mga kahulugan (sa tulong ng alusyon).

Derash (Hebrew: דְרָשׁ from Heb. darash: “paghahanap” o “paghihingi”: ito ang midrashic (rabbinical) na pakahulugan na kadalasang may kasamang pagkakahawig ng mga salita at talata.

Sod (Hebrew: סוֹד lit. “secret” or “mystery”): ang “pinakapusod” o “nalilihim” na esoteric meaning, na binabanggit sa Kabbalah.

Ang Banal na Kapangyarihan ng Diyos

Dalawa sa mga pangunahing pinagkukunang kaalaman ng mga Kabbalista ang akdang Sefer Yetzirah na isinasalin bilang “Book of Creation” noong 1894, at ang tanyag na Zohar na isinasalin naman bilang “Book of Enlightenment” noong 1985 at “Book of Splendor” noong 1995.

Pinaniniwalaan na unang ipinahayag ang karunungang lihim na ito magbuhat kay Adan at muling binuhay sa panahon ni Abraham. Dito ipinakilala sa kanila ng Maylikha ang aral patungkol sa Holy Sefirot (o ang “banal na kapangyarihan”) na nagmumula sa Diyos at kaniyang ginagamit upang lalangin ang lahat ng bagay na nabubuhay sa uniberso.

Ang Holy Sefirot o banal na kapangyarihang pinagmumulan ng mga nilikha ng Diyos ay may sampung (10) bahagi ng pinanggalingan (emanation)  — (1) keter elyon (“pinakamataas na mga korona”), (2) chokmah (“karunungan”), (3) bina (“katalinuhan”), (4) chesed (“pag-ibig”), (5) gevura (“kalakasan”), (6) tif ‘eret (“kagandahan”), (7) netzah (“walang-katapusan”), (8) hod (“karangalan”), (9) yesod (“pundasyon”), at ang (10) malkhut (“paghahari”). Kadalasang tinatawag ang Sefirot sa ibang mga pangalan kagaya ng “mga korona”, “mga katangian”, “mga prinsipyo” at “mga hakbang”.

Sa susunod na talakayan, ating pag-uusapan ang tanyag na Lurianic Kabbalah na itinaguyod ng Judiyong rabbi na si Isaac ben Solomon Luria, at kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa Kabbalah.


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started