Madalas nating naririnig sa loob ng paaralan ang leksiyon patungkol sa hugis ng mundo. Ayon sa karamihang mga scientist, ang hugis ng mundo ay oblate spheriod o pabilog. May iba naman na nagsasabi na ang daigdig ay “flat” o patag. Matagal na itong pinagtatalunan ng mga taong di-nagkakasundo at hanggang ngayo’y patuloy pa ring pinagtatalunan. Alin nga ba sa kanila ang totoo? Tunghayan natin.
๐ญ๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐ก๐๐ ๐พ๐๐ฆ๐ ๐ผ๐ก๐?
Ang ๐๐๐๐ก ๐๐๐๐กโ ๐กโ๐๐๐๐ฆ ay isang teorya na kung saan ang hugis ng planetang Earth ay lapad (flat).ยน Ang ganitong kaisipan ay hindi tanggap ng mainstream science, sa halip, itinuturing itong “scientificallyย disproven conception” o isang bagay na hindi sinusuportahan ng siyensiya na kung minsan ay tinatawag na ๐๐ ๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (“๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐”).
Subalit napakatanyag ng kaisipang ito noon pang sinaunang panahon. Maraming sinaunang kultura ng bawat bansa ang naniniwala noon sa pag-aakalang ang mundo ay “flat” (lapad). Naniniwala ang mga Greek, at sinaunang Intsik (Chinese) na patag ang mundo. Ang ideya na patag ang mundo ay madalas ituro ng ilang mga ancient Greek philosophers kagaya na lamang nina ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ญ๐ฎ๐ฌ (c. 550 BC), ๐๐๐ข๐๐ข๐ฉ๐ฉ๐ฎ๐ฌ (c. 440 BC), at ๐๐๐ฆ๐จ๐๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ๐ฌ (c. 460-370 BC).ยฒ
May ilan ding mga ancient Norse at Germanic tribes noon na naniniwala sa isang flat earth cosmography ng Earth na pinapalibutan ng karagatan kalakip ang tinatawag nilang “world tree” o isang haligi na nasa gitna.
Sa kasalukuyan, maraming mga modern flat earthers ang nagtataguyod pa rin sa teoryang ito. Nagsimula ang paglaganap ng paniniwalang ito mula sa isang English writer na si ๐๐๐ฆ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฐ๐๐จ๐ญ๐ก๐๐ฆ na umakda ng pampletong ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ด๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐ฆ noong 1849. Sinusuportahan din ito maging ng mga kilalang personalidad gaya nina ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐๐ฆ ๐๐๐ซ๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ซ, ๐. ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐, ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐๐ฌ๐ฉ๐๐ซ, at iba pa.
Sa ngayon, patuloy na nagiging diskusyon ng mga taong taga-suporta ng flat earth theory ang ganitong kaalaman. Ngunit hindi ito pinapaniwalaan ng mainstream science dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.
๐ถ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ โ ๐ผ๐ก๐ ๐๐๐ ๐ต๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ ๐ป๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐?
![](https://jasonjethnewshub.wordpress.com/wp-content/uploads/2022/03/earth-blue-planet-globe-planet-87651.jpeg?w=1024)
Ayon sa ๐๐๐๐ (๐๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐๐๐ก๐๐๐), ang aktuwal na hugis umano ng ating planeta at ng iba pang planeta ay “oblate spheriod” โ o isang globo na nag umbok sa palibot ng equator (gaya ng makikita niyo sa ikalawang sample ng larawan sa ibaba).ยณ Ang planetang Earth ay nakaumbok sa kaniyang equator dahil ito ay mabilis na umiikot sa kaniyang axes. Ang sentripetal na puwersa ng pag-ikot ay nagiging sanhi kung bakit ang mga rehiyon sa equator ay umuumbok palabas.
๐จ๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐?
Ginagamit ng Bibliya, ang pararilang “pinakamalayong bahagi ng lupa”, pero hindi ito nangangahulugan na ang lupa ay lapad (flat) o may dulo. (๐บ๐๐ค๐ 1:8) Ang pananalita ring “apat na dulo ng lupa” ay makasagisag na pananalita na tumutukoy sa buong lupa, gaya ng apat na direksiyon ng kompas.
![](https://jasonjethnewshub.wordpress.com/wp-content/uploads/2022/03/pexels-photo-2294877.jpeg?w=1024)
Sa katunayan, mababasa mismo sa ilang bahagi ng Bibliya ang katunayan na ang mundo ay hugis “pabilog na lupa” (๐ผ๐ ๐๐๐๐ 40:22, ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐), o “ang globo ng lupa”. (๐ถ๐๐กโ๐๐๐๐ ๐ท๐๐ข๐๐ฆ ๐๐๐๐ ๐๐๐). Ito ay base sa Hebreong salita na ๐๐๐๐๐, na ang ibig sabihin ay “balantok” (Ing, “circle”).
Samakatuwid, sa teknikal na pananalita, ang hugis ng planet Earth at ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐; ito’y medyo lapad sa magkabilang polo.
MGA SANGGUNIAN:
ยน en.wikipedia.org/wiki/Flat_Earth
ยฒ Direct adoption by India: D. Pingree: “History of Mathematical Astronomy in India”, ๐ท๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐โ๐ฆ, Vol. 15 (1978), pp. 533-633.
ยณ nasa gov/audience/forstudents/5-8/features/nasa-knows/what-is-earth-58.html
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |