(JW.ORG) — Sabi ng iba, hindi nakikita ng Diyos ang pagdurusa natin at wala siyang pakialam.
ANG SABI NG BIBLIYA
• Alam ng Diyos ang pinagdaraanan natin at nagmamalasakit siya
“Nakita ni Jehova na laganap na sa lupa ang kasamaan ng tao . . . , at nasaktan ang puso niya.”—Genesis 6:5, 6.
• Aalisin ng Diyos ang lahat ng pagdurusa
“Kaunting panahon na lang at ang masasama ay mawawala na; titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan, pero hindi mo sila makikita roon. Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”—Awit 37:10, 11.
• Ang nais ng Diyos para sa iyo
“‘Alam na alam ko ang gusto kong gawin para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova. ‘Bibigyan ko kayo ng kapayapaan, at hindi ng kapahamakan, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan at pag-asa. At tatawag kayo at lalapit at mananalangin sa akin, at pakikinggan ko kayo.’”—Jeremias 29:11, 12.
“Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—Santiago 4:8.
Pinagkunan:
— Ang Bantayan, Blg. 3 2018
Para sa karagdagang kaalaman at pag-aaral tungkol sa paksang ito, mangyaring puntahan ang official website ng jw.org/tl.
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |