Isa sa mga utos ng Diyos sa tao ang paggalang ng kanyang kapwa tao lalo na sa mga nakakatanda gaya ng ating mga magulang. |
Isa sa mga utos ng Diyos sa mga kabataan ay ang “igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.” (Exodo 20:12, TLAB) Napakahalaga ng simpleng kautusang ito dahil dito nakasentro ang isang katangian ng “pagpapakumbaba”, at “paggalang” ng isang tao sa mga mas nakakatanda sa kaniya.
Sa isa sa mga sulat ni apostol Pablo, pinayuhan niya ang mga kabataan na “sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.” (Colosas 3:20, MBB) Ang pagsunod sa utos ng mga magulang natin ay isang palatandaan ng pagmamahal sa kanila at pagbibigay parangal gaya ng pagmamahal natin sa Panginoon.
Ang kabataang sumusuway sa mga utos ng kanilang magulang at hindi tumatalima sa kung ano ang tama ay naglalagay ng kapahamakan sa kaniyang sarili. (Levitico 19:3) Sa lahat ng panahon, inaasahan ng ating mga magulang ang pagmamahal natin sa kanila. Ang ating ama at ina ang nagpalaki sa atin at nagturo ng mga magagandang bagay dito sa mundo, at higit sa lahat, ang pagkilala sa Lumikha.
Nais ni Jehova na sundin natin ang kanyang mga utos dahil siya lamang ang “mahabaging Ama at Diyos na pinagmulan ng lahat ng kaaliwan.” (2 Corinto 1:3, MBB) Bilang ating makalangit na Ama, lubos nating tanggapin ang kanyang payo: “Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama,At huwag mong kalimutan ang tagubilin ng iyong ina.” – Kawikaan 1:8, NWT
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |