Sa kasalukuyan, ang Dagat Pasipiko (o Pacific Ocean) ang pinakamalaking porma ng karagatan sa buong mundo. Kabilang sa ilan pang porma ng karagatan sa ating mundo ay ang Atlantic Ocean, Indian Ocean, Southern Ocean at ang Arctic Ocean. Pero hindi lamang nag-uumpisa ang lahat ng ito sa ating panahon dahil mula pa man noong sinaunang panahon ay mayroon ng tinatawag na superocean o pinakamalaking karagatan sa Daigdig. Ang karagatang ito ay tinatawag na Panthalassa. Anong uri ng karagatan ito?
Ang nagkakadugtong na katubigan
Ang Panthalassa superocean ay isang malawak na pandaigdigang karagatan na pumalibot sa supercontinent na kung tawagin ay Pangaea noong panahong Huling Paleozoic at Simulang Mesosoiko.
Ito ay kinabibilangan ng Karagatang Pasipiko sa kanluran at hilaga at ang Karagatang Tethys sa timog silangan. Ito ay naging Karagatang Pasipiko pagkatapos ng pagsasara ng basin na Tethys at ang paghahati ng Pangaea na lumikha ng Karagatang Atlantiko, Karagatang Arktiko at Karagatang Indiyan. Ang Panthalassiko ay kadalasang tinatawag na Paleo-Pacific (“old Pacific”) dahil ang Karagatang Pasipiko ay umunlad mula rito sa Mesosoiko hanggang sa kasalukuyan.
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |