And Kaugnayan ng Mahika at Siyensiya |

Mahika at Siyensiya: Si Isaac Newton ay nagpapakalat ng liwanag gamit ang isang glass prism. |(Photo By Apic/Getty ImagesApic/Getty Images).

Ang siyensiya (Ing, “science”) ay nakatuon sa natural o likas na phenomena samantalang ang mahika (Ing, “magic”) ay nakatuon naman sa supernatural o higit pa sa likas na mga phenomena. Pero paano nga ba nagiging isang phenomenon ang ‘natural’ o ‘supernatural’? Kapag ang mga terminong ‘natural’ at ‘supernatural’ ang nagiging batayan, kailangan ng tao na mahinuha mula sa ilang konsepto na madaling maunawaan ang ilang termino para sa kaunawaan ng karamihan sa mga mambabasa.

Ang dalawang mundo ng realidad

Upang mas madaling maunawaan ang pagkakaiba ng ‘natural’ at ‘supernatural’, iminumungkahi na buksan ang sariling pandama upang madaling makilala ang pagkakaiba ng likas na daigdig at di-likas na daigdig.

Para sa mga sikolohista, mayroong dalawang mundo na kinatatayuan ng tao: ang panlabas (external) at ang panloob (internal).

Ang panloob na mundo ay sumasaklaw sa ating mga damdamin at karanasan, tulad ng pananakit ng ulo, ang pakiramdam ng pag-ibig o hindi malay na mga proseso, samantalang ang panlabas na mundo ay binubuo ng mga phenomena at mga ideya na umiiral sa labas ng ating Sarili (soul) [hal., ang bintana sa harap natin, ang hangin sa likod ng bintana na gumagalaw sa mga sanga ng puno, mga bituin sa kalangitan o ang kaalaman sa mga pisikal na batas].

Ang panloob na mundo ay naa-access lamang sa ating Sarili, samantalang ang panlabas na mundo ay ibinabahagi natin sa ibang tao. Ang ating Sarili at panloob at panlabas na mundo ay mga bahagi ng isang mas pangkalahatang konsepto, na kung saan ay ang ating isip (kamalayan). Ang isip (kamalayan) kung gayon ay isang konsepto na lumilikha ng pangwakas na hangganan para sa anumang makatwirang pagsusuri.

Sa panloob na mundo, maaari nating ma-kontrol ang ating atensiyon kagaya halimbawa sa ating pag-iisip sa isang bagay gamit ang ating mentalidad.

Sa panlabas na mundo, tanging ang ating pisikal na katawan lamang ang ating kayang ma-kontrol (hal., ang paggalaw ng ating mga kamay, paa at leeg. Nakakonekta ang lahat ng ating pisikal na paggalaw sa ating mentalidad.

Ang kahulugan ng mahika

Ang salitang mahika, madyik o salamangka (Ing, “magic”) ay “isang gawain o talento ng isang salamangkero na matatawag ding sining ng mahika” ayon sa Wikipedia. Dahil dito, ang taong may taglay na kakayahan ng salamangka ay makakagawa ng mga matatawag na pambihira at kagila-gilalas na mga bagay o himala.

Ang mga salamangkero ay gumagamit ng orasyon o dasal na pangtawag sa mga espiritu o puwersang may kapangyarihang magpagana ng salamangka. Karaniwan din silang nakakagawa ng mga ‘tricks’ o tusong gawain upang mas makahikayat ng mga tao na maniwala sa kaniyang salamangka. Ang salamangka o mahika ay nauugnay sa supernatural na gawain o mga espiritismo. (Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang artikulo na Ang Katotohanan Tungkol sa Mahika, Panggagaway, at Pangkukulam).

Ang kahulugan ng siyensiya

Ang salitang “siyensiya”, na minsan ring tinatawag na agham, ay nagmula sa wikang Kastila na “Ciencia” na nangangahulugan sa literal na “kaalaman”. Sa natural na batayan, ang siyensya ay tumutukoy sa “proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito.” Ang siyensiya, sa batayang natural, ay dumadaan sa malalim na prosesong maka-agham (scientific process) upang malaman ang isang bagong kaalaman tungkol sa sistema na pinag-aaralan.

Dito gumagamit ang mga siyentipiko ng pamamaraang maka-agham (scientific method) na may kaugnayan sa natural na mundo.

Ang pagkakaugnay ng mahika at siyensiya

Gaya ng nabanggit sa itaas, mayroon tayong dalawang realidad: ang panlabas na mundo at ang panloob na mundo.
Ang panloob na mundo ay nakaugnay sa ating mentalidad at kaya natin itong kontrolin o pagtuonan ng pansin. Habang ang panlabas na mundo ay nakaugnay sa ating sariling katawan kung kaya maaari nating ma-kontrol ito at maikilos gamit lamang ang ating utak.

Ang paniniwala sa supernatural phenomena ay tumutukoy sa mga bagay na labag sa natural o likas na mga pangyayari (hal., ang nagniningas na puno na binabanggit sa Exodo 3:1-22)

Ang ‘supernatural’ at ‘natural’ na mga phenomena ay magkaiba ng sitwasyon subalit hindi sila maaaring paghiwalayin. Sa katunayan, malaki ang nagagawa ng dalawang ito sa pamumuhay ng tao sa daigdig.

Ganito ang sinasabi ni Eugene Subbotsky sa kanyang aklat na Science and Magic in the Modern World: Psychological Perspectives on the Living with the Supernatural,

“Sa loob ng millennia, sinubukan ng mga tao na impluwensyahan ang kalikasan sa pamamagitan ng mahika. Sa pagninilay-nilay sa kanilang sariling mga damdamin at kaisipan, ipinapalagay ng mga tao na ang mga hayop, halaman, ilog at kabundukan ay mayroon ding magkatulad na damdamin at kaisipan. Sa pamamagitan ng mga mahiwagang spell at ritwal, sinubukan ng mga tao na impluwensyahan ang mga hayop at ang mga proseso ng kalikasan. Tinapos ng agham ang mga ilusyong ito, ngunit patungkol lamang sa mga bagay na walang buhay, samantalang ang kaisipan ay nananatili sa ilalim ng kapangyarihan ng mga mahiwagang batas. Bilang resulta, ang buhay ng mga modernong tao ay umunlad bilang isang kumplikadong katotohanan kung saan ang mga batas ng mahika at agham ay magkakaugnay. Kahit na maraming mga siyentipiko sa publiko ang tumatanggi na naniniwala sila sa mahika, sa kanilang pribadong buhay, ang parehong mga siyentipiko ay madalas na sumusunod sa mga batas ng mahika.” (p. 08, (2019).


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started