Sa Biblia, ang mga anghel (Ing, “angels”) ay mga di-nakikitang makapangyarihan, ubod ng talinong mga espiritung persona na sumusunod sa utos ng Diyos at nabubuhay para purihin at luwalhatiin ang Diyos. (Awit 103:20-21; 148:2; Mateo 26:53) Ang mga anghel ay mga mensahero ng Diyos. Ang salitang “anghel” ay galing sa wikang Griyego na “angelos” na nangangahulugang “mensahero” o “pinadala”.
Ang tungkulin ng mga anghel
Nagpapadala ng mga mensahe ang mga anghel sa personal man o sa panaginip kagaya kay Jacob o di kaya’y kay Jose. (Genesis 31:10-13; Mateo 1:20) Tungkulin rin ng mga anghel na gabayan ang mga tao. (Awit 91:11) Naglilingkod ang mga anghel sa Diyos at sa kaniyang sambahayan. (1 Hari 22:21; Hebreo 1:14)
Mga iba’t-ibang uri ng anghel
![](https://jasonjethnewshub.wordpress.com/wp-content/uploads/2022/10/images-1.jpeg?w=640)
Ang mga espiritung persona o anghel ay may iba’t-ibang mga uri. Nahahati ito sa tatlong uri: Kerub, Serapin, at ang iba pang naglilingkod na mga anghel na may mababang tungkulin.
Ang mga Kerubin ay mga anghel na mataas ang ranggo at may espesyal na mga atas. Iba sila sa mga Serapin at ministeryong anghel. β Genesis 3:24; Exodo 25:20; Isaias 37:16; Hebreo 9:5
Ang mga Serapin ay mga anghel na mataas ang posisyon at nakapuwesto malapit sa trono ni Jehova. β Isaias 6:2, 6
Ang mga ministeryong anghel naman ay ang mga anghel o espiritu na naghahatid ng mga mensahe at gumagabay sa sambahayan ng Diyos. Sila din ay pumupuri sa Diyos. β Hebreo 1:14
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa katotohanan ng mga anghel at kung sinu-sino sila ay basahin ang artikulong Sino o ano ang mga anghel?
Bisitahin ang opisyal na website ng jw.org para sa karagdagang mga aral mula sa Banal na Kasulatan.
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |