Larawan ng isang sinaunang amulet na ginagamit ng mga Gnostic Christians. | Photo Credits: Flickr
“Sa araw na iyon, kukunin ng Panginoon ang mga alahas sa kanilang paa, ulo, at leeg. Kukunin din sa kanila ang kanilang mga hikaw, pulseras, belo, turban, alahas sa braso, sinturon, pabango at mga anting-anting.”— Isaias 3:18-20, ASND
Lingid sa kaalaman ng iilan, may mga ilang sinaunang Kristiyano na gumagamit ng mga anting-anting, talisman o agimat sa kanilang pagsamba. Bagama’t ipinagbabawal ng Bibliya ang paggamit nito upang maiwasan ang maling pagsamba sa Diyos, may iilang grupo ng mga nag-aangking Kristiyano noong una na natuklasang gumagamit ng mga kagaya nito.
Ang natagpuang ‘agimat ng mga sinaunang Kristiyano ‘
Mula noong ika-anim na siglo, ang piraso ng pergamino na ito (P. Oxy. 8.1077) ay hinukay sa lugar ng sinaunang Oxyrhynchus, Egypt. Naglalaman ito ng na-redact na bersyon ng Mateo 4:23–24 (ASND), na mababasa ang sumusunod:
“Ang ebanghelyo ng pagpapagaling ayon kay Mateo. At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian at nagpapagaling ng lahat ng karamdaman at ng lahat ng karamdaman sa mga tao. At ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong Siria, at dinala nila sa kaniya ang mga maysakit, at sila’y pinagaling ni Jesus. Upang palakasin ang kapangyarihan nito sa pagpapagaling, ang sagradong teksto ay nakasulat sa limang column na nakaayos sa anyo ng mga krus [o “tulos”, NWT].”
Karaniwan nang tinatanggap ngayon ng modernong iskolar na ang pagdating ng Kristiyanismo ay hindi tumapos sa paganismong gawain gaya ng salamangka; hindi man lang agad. Sa halip, naging sanhi ito ng kanilang pagbabago.
Ang isa sa mga tinitignang motibo sa gawaing ito ng mga sinaunang Kristiyano ay upang mas madaling mayakap ng mga nakumbertir ang paniniwalang Kristiyanismo kapag nahaluan ito ng okultismo.
Maliban sa Bibliya, ang kanonikal na aklat, may mga ilang tinatawag na apokripal na mga aklat (o nakatago) na nagdiriin sa mga tao na paniwalaan, at isabuhay ang okultismo — kagaya ng Sword of Moses, 2 Enoch, at ang Book of Tobit na isa sa mga kasamang deuterocanonical writings ng Iglesia Katolika Romana.
Ang babala ng Bibliya tungkol sa paggamit ng mga anting-anting o agimat
Hinahatulan ng Bibliya ang lahat ng uri ng mahika. Hindi rin inirerekomenda ng Diyos sa kaniyang mga lingkod na mag-practice sila ng pangkukulam, panggagaway o paggamit ng itim na mahika.
Para sa karagdagang impormasyon basahin ang artikulo sa ibaba.
Ang Katotohanan Tungkol sa Mahika, Panggagaway, at Pangkukulam
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |