[PAUNAWA: Ang inyong mababasa ay batay sa totoong salaysay ni Jayson Billones patungkol sa kanyang pangitain ng “pag-akyat” sa kalangitan, at pagtanggap ng mensahe mula sa Diyos noong ika-15 ng Disyembre 2019]
Sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari matapos akong managinip, at makabalik sa aking ulirat nitong nakaraang Disyembre 15, 2015.
Ang pag-akyat sa mataas na antas ng pangitain sa kalangitan
Ganito ang mga nangyari sa akin noong hapon na yaon:
Kaninang hapon, matapos ang napakalakas na lindol na yumanig sa Mindanao, bumuklat ako ng Biblia at nagbasa. Natuon sa Aklat ni Propeta Zefanias 1:2 ang aking babasahin, na nagsasabi: “Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng PANGINOON.”
Matapos nito, pinagbulay-bulayan ko ito nang ilang saglit hanggang sa madatnan ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang kapit-kapit ko yung Banal na Kasulatan. Nasa duyan ako kanina.
Nang makatulog ako, nagkaroon ako ng isang panaginip. Sa gitna ng aking panaginip, naramdaman ko agad sa aking katawan na tila hindi ako makakilos. Sa mga sandaling yun bigla akong hinatak ng espiritu sa itaas hanggang sa makaabot ako sa ere. Dinala ako paitaas ng espiritu sa mataas na bahagi ng kaulapan na kung saan nakikita ko ang buong kaluwalhatian ng daigdig. At narinig ko ang isang tinig na nagsasabi: “Halika, at umakyat.” Pagkatapos, hinatak naman ako ng espiritu sa pinakamataas na bahagi ng kalawakan hanggang sa makapasok ako sa isang dimensyon na tila hindi ko mailarawan. Nang makarating ako sa ganung lugar, may nagsabi sa akin na isang anghel, “Tingnan mo ang isa na ituturo ko.” Itinuro niya sa akin ang isang nakaupo sa puting trono na may bitbit na setro at nakadamit siya ng puti na abot hanggang paa at may gintong pamigkis sa dibdib niya. Pinapaligiran siya ng iba’t-ibang anghel.
At sinabi ng anghel sa akin, “Siya ang hinihintay ninyo. Siya ang Anak ng tao na maghahari sa araw ng Panginoon.”
Bigla akong napaluha dahil sa nasaksihan ko. Nadama ko ang isang pagkasabik na hindi ko maipaliwanag. Sinabi ko, ” O Panginoong Jesus, hanggang kailan ang aming paghihintay sa’yo? Nanabik na kaming masilayan ka. Ikaw lamang ang aming hinihintay na pag-asa.“
At sinabi sa akin ng anghel, “Lahat ng dalangin mo ay naririnig ng Panginoon. Humayo ka, at maghanda. Ang araw ng Panginoon ay papalapit na.”
Itinanong ko kung hanggang kailan ang aming paghihintay sa Panginoon. Sumagot siya, “Darating ang Anak ng tao sa araw na hindi ninyo malalaman. Sapagkat para itong isang magnanakaw sa gabi. Hindi mo ba natatandaan ang sinabi niya: ‘Ang Ama lamang ang nakakaalam’. Wala sa amin ang kapangyarihan upang malaman ang nais ng Diyos.“
Pagkatapos nito’y ibinalik ako ng espiritu at ako’y nagising sa aking pagkakatulog. Hindi ko makakalimutan ang totoong pangyayaring ito kanina. Nais ko itong ipaalam sa mga bukas ang puso at isip sa Panginoon.
Ang nais ng Diyos ay maghanda tayo sa nalalapit na pagdating ng Anak ng Diyos, ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, ang Kristo upang tanggapin ang kanyang ipinangako noon.
Purihin ang Diyos, at dakilain ang Panginoong Jesu-Kristo. Amen.
Dito nagwawakas ang pangitain ni Jayson Billones.
Ang pagpapakalat ng mensaheng mula sa Diyos
Noong ika-19 ng Disyembre 2019, ipinahintulot ni Jehova na gamitin ni Jayson ang sosyal medya upang ipalaganap ang natanggap niyang mensahe sa Diyos noong araw ng Linggo. Dahil rito, marami ang tumanggap nito, at nakarinig.
![](https://jasonjethnewshub.wordpress.com/wp-content/uploads/2019/12/img_20231029_0015247648335683759878425.jpg?w=588)
Sa Diyos ang buong kapurihan magpakailanman.
Amen.
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |