Marami sa mga Katoliko at Ortodoksong Simbahan ang nagdiriwang ng tinatawag na “Pista ng mga Patay”. Dalawa sa mga kapistahang ito ang kanilang ipinagdiriwang tuwing sasapit ang unang araw ng buwan ng Nobyembre. Tuwing Nobyembre 1, unang ipinagdiriwang ang “All Saints Day” o Pista ng mga Santo, at sa ika-2 ng Nobyembre naman ang “Al Souls Day” o Pista ng mga Kaluluwa o Undas. Ang salitang “Halloween” naman ay kinuha sa wikang Latin na “hallow” na ang ibig sabihin ay “banal” o holy samantalang ang we’en ay tumutukoy sa “pag-iisip”. Kung kaya, ang konsepto nito ay tumutukoy sa pagiging banal sa araw na ito. Sa sinaunang Latin, madalas itong tinatawag na “Hallowmas” o banal na pagkakatipon sa gabi. (“All Hallows evening”). Ngunit saan nga ba nagsimula ang pagdiriwang na ito? Ito ba ay sinasang-ayunan ng Bibliya?
Ang pinagmulan ng Pista ng mga Patay
Ang pagdiriwang ng “Kapistahan para sa mga Santo” at “Kapistahan para sa mga Patay” ay matagal nang naging selebrasyon ng Simbahang Katolika at ibang mga denominasyon. Sa dalawang kapistahang ito inaalala umano ng mga tao ang mga namayapa na nilang mga mahal sa buhay at upang ipanalangin ang kanilang mga kaluluwa.
Subalit ang pagdiriwang na ito ay hindi matatagpuan sa Bibliya. Bakit? Ang pagdiriwang ng Halloween ay nagbuhat sa impluwensya ng sinaunang paganismong kapistahan.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang kaugnay na artikulo sa ibaba.
Ano ang Pinagmulan ng Halloween?
Latest Posts
- Presidential Debate Highlights: Donald Trump vs. Joe Biden |
- China dams release water, submerging more cities and flooding more streets |
- Terror attack in Dagestan, Russia kills police, priest and destroyed churches and synagogues |
- Why is Jesus an “Archangel”, not God Almighty himself? |
- Terrorist weapon supplier killed in Lebanon strike, Israel reports |