ANG PAGDIRIWANG NG KRISMAS AY IPINAGBAWAL NOON ā€” BAKIT? |

Ang “š˜¾š™š™§š™žš™Øš™©š™¢š™–š™Ø” o Pasko ay ang pinaka-popular na selebrasyon sa mundo na ipinagdiriwang ng mga tao. Kahit hindi Katoliko ay nagdiriwang nito. Maging ang mga ateista ay nagdiriwang din ng Pasko. Pinapaniwalaan ng mga nagdiriwang ng Pasko na ang “Christmas” ay ang araw ng kapanganakan umano ni Jesu-Kristo. Ginaganap ito tuwing Disyembre 25.

Subalit sa kabila nang magarbong selebrasyong ito, alam niyo ba na dating ipinagbawal ang pagdiriwang ng Pasko? Bakit? Sa anong dahilan?

Noong ikalabing-anim na siglo hanggang sa ikalabing-pitong siglo, C.E, nagkaroon ng matinding pagtatalo at alitan sa pagitan ng mga Protestant at Katoliko patungkol sa magarbo, at makamundong selebrasyon na maaari umanong magdulot ng matinding pinsala sa espirituwal na ugnayan ng mga tao sa Diyos. Kung kaya, nilimitahan ng mga Puritans o Protestant churches ang ilang pagdiriwang nito upang hindi mabahiran ng anumang kasalanan ang mga mananamba. Habang ipinagpatuloy naman ng Simbahang Katolika ang tradisyong ito.

Dahil sa paganong pinagmulan ng Pasko kung kaya’t ito ay ipinatigil at pinagbawal sa mga ilang Kristiyanong sekta noong ika-16 hanggang 17-siglo upang mapalayo ang mga mananampalataya sa makamundong pagnanasa.

“Nakakagulat sa totoo lang, kung tutuusin, na ang mga tagasunod ni Jesu-Kristo sa bansang Estados Unidos at Englatera ay nagkasundong magtulungan na maipasa ang isang batas na nagpapatigil sa pagdiriwang ng Krismas [tuwing Disyembre 25] sa paniniwalang ang pagdiriwang na ito ay nakaka-insulto sa Diyos dahil na rin sa pagbibigay-pugay sa isang araw na nagpaparangal sa paganismo,” ayon sa “š™Žš™š™¤š™˜š™ š™šš™™ š˜½š™® š™©š™š™š š˜½š™žš™—š™”š™š” (Thomas Nelson Inc, 2008).

“Lingid sa kaalaman ng ilang Amerikano [at ilang nagdiriwang nito] ngayon, ang Krismas ay ipinagbawal dati sa Boston sa taong 1659 at 1681,” ayon pa kay Nelson.

Ang mga activities na nasasangkot sa Pasko kalakip ang mahahalay na sayaw, orgy games, pagkanta ng karoling, paglalasingan at sobra-sobrang pagsasaya ay ipinagbawal ng mga Puritans sa Bagong Englatera. Sa Amerika, ipinatigil rin ang pagdiriwang ng Pasko sa Boston at sa ilang kolonya ng Plymouth. Nagiging “criminal-offense” sa sinumang magdiwang ng naturang selebrasyong ito, ayon sa ulat ng “š™Šš™£š™˜š™š š™š™„š™¤š™£ š™– š™‚š™¤š™Øš™„š™šš™”” ni William Bausch (Twinty-Third Publication, 2008).

Ang mga “Christmas tree” at ilang dekorasyon ay itinuring na mga “hindi banal na mga rituwal ng pagano”, at ipinagbawal rin ng mga Puritans ang pagkain ng ilang pamaskong lulutuin gaya ng mince peas at pudding. Ipinahintulot ng mga Puritans ang patuloy na pagbubukas ng mga business stores sa araw ng Pasko at maraming mga relihiyusong tao ang noo’y sumisigaw sa lansangan na “No Christmas!” at “Repent and return to Christ.”

Sa Englatera, ang pagbabawal sa Pasko ay ipinatigil noong 1660 nang magsimulang manungkulan si Charles II. Samantala, may mga Puritans naman na nanatili sa Englatera at patuloy na nanindigan sa paniniwala nilang hindi maka-Kristiyanong pagdiriwang ang Pasko. Noon lamang 1856 ginawang “legal holiday” ng pamahalaang Englatera ang pagdiriwang ng Pasko. Ibinalik nila ang ang mga dating nakagawian nilang tradisyon. Dahil dito, napilitan rin ang ilang estado ng Amerika na ibalik ang pagdiriwang ng Pasko hanggang sa maging popular itong kapistahan sa mundo.

š’šØš®š«šœšž: š‹š¢šÆšžš’šœš¢šžš§šœšž; šš«š¢š­ššš§š§š¢šœšš š„š§šœš²šœš„šØš©šžšš¢šš


Latest Posts

Published by Jason Jeth

š‘±š’‚š’”š’š’ š‘±š’†š’•š’‰ took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started