Isang instrumento na kayang makita ang mga di-nakikitang nilalang naimbento ng isang siyentista |

Isang aktuwal na imahe ng sinasabing mga kakaibang nilalang na nakunan ng Energivision. | Image credits: UFOholic

Isa si David Nemes sa mga naging interesado sa astronomiya noong siya ay labing-apat na taong gulang pa lamang. Ngayon, siya ay isang imbentor at kilalang siyentipiko mula sa bansang Spain na ngayo’y naninirahan sa Columbia.

Nakabuo si Nemes ng isang instrumento na pinaniniwalaan niyang maaaring kumuha ng mga larawan ng mga multidimensional na entity. Tinatawag niya itong “Energivision”. Sa buong taon nang kanyang pag-aaral sa siyensiya, nakabuo siya ng isang kakaibang instrumento na pinaniniwalaan niyang kayang kumuha ng mga larawan ng mga “multidimensional beings” o mga nilalang na nasa ibang dimensiyon kagaya na lamang ng mga espiritu. Tinatawag niya itong Energivision.

Ano nga ba ang Energivision?

Ang “Energivision” ay isang instrumento na ginagamit upang kumuha ng mga larawan ng mga multidimensional na nilalang gamit ang mga special lenses na sinamahan ng natural na sikat ng araw. Naniniwala si Nemes na ang ginagamit niya ay higit na nakahihigit kaysa sa infrared, ultraviolet at black light.

Isang halimbawa ng aktuwal na nakunan ng instrumentong “Energivision” ni Nemes na kung saan makikita ang isang larawan ng di-pangkaraniwang hugis ng nilalang. Pinaniniwalaang ito ay isang uri ng espiritu gaya ng mga “Grigori” na matatagpuan sa extra-biblical na Book of Enoch. | Credits: Daniel Nemes FB

Ang interes ni Nemes sa teknolohiya ay sumikat pagkatapos niyang basahin ang isang artikulo sa isang magazine na nakatuon sa madilim na bagay ng uniberso. Ang kanyang ideya ng paglikha ng panibagong instrumento ng teknolohiya, sa pamamagitan ng optical na mga eksperimento at mga kalkulasyon sa matematika, ay nagpapahintulot sa kanya na kumuha ng mga litrato ng mga supernatural beings.

Ipinaliwanag ni Nemes na ang imahe ay nagpapakita ng mga entidad mula sa ibang mga antas. Ang multidimensional planes ay sumasakop sa parehong espasyo tulad ng nasa atin. Ang bawat planes ay lumilikha ng sarili nitong realidad at nakikita ang sarili nitong katotohanan. Umiiral ang mga multidimensional na antas sa iba’t-ibang panginginig ng boses (vibrations) at antas ng kamalayan kaysa sa ginagawa natin sa ating pisikal na dimensiyon kung kaya’t hindi natin sila nakikita.

Ayon kay Nemes, tinanggihan ng media at scientific community ang kanyang imbensyon. Itinuring nila itong isang pseudoscience (o huwad na agham). Sa maraming pagkakataon sinubukan niyang dalhin ang Energivision instrument sa kamalayan ng siyentipikong komunidad ngunit hindi ito nabigyan ng seryusong pansin ng ilang siyentipiko.

Ang teknolohiya ay hindi pa nalantad ayon kay Nemes dahil sa kanyang pangamba na subukan ng NASA at iba pang organisasyon na kopyahin at angkinin ang kanyang imbensyon.

Mula noong 2015, naging napaka-aktibo ni Nemes sa social media lalo na sa Facebook at nakapag-post siya ng higit sa 1,000 mga larawan sa kanyang pahina ng mga sinasabi niyang multidimensional na mga nilalang. Noong nakaraan, si Nemes ay palaging kinukutya para sa kanyang mga imahe. May mga nagsasabing gawa-gawa niya lang ito. Ngayon, ang page niya ay mayroon ng higit sa 111,000 followers.

Patuloy niyang itinataguyod ang kaniyang adhikain at naiibang imbensiyon para patunayan na hindi lamang tayong mga tao ang nabubuhay sa mundong ito kundi mayroon pang mga di-nakikitang nilalang na umaaligid lamang sa ating paligid.

Related Posts

Totoo nga ba ang “supernaturalismo”?


Latest Posts

Published by Jason Jeth

𝑱𝒂𝒔𝒐𝒏 𝑱𝒆𝒕𝒉 took his Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies at Capiz State University Pontevedra Campus. He is currently studying for his Master of Arts in Social Studies (MAT-Soc Stud) at Filamer Christian University. He is a licensed professional teacher, and a social influencer through his multi-talented skills in publishing articles and books, video logging, songwriting, music production, and teaching. He is the founder of Jason Jeth Newshub, a news blog site. He is also a member of Jehovah's Witnesses.

One thought on “Isang instrumento na kayang makita ang mga di-nakikitang nilalang naimbento ng isang siyentista |

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started